Chapter 55

3.8K 141 17
                                    

Winala ni Gracie ang usapan at napunta ulit sa flower shop.

"Binanggit rin pala sa akin ni Sandro na siya na ang bahala sa supply ng bulaklak sa flower shop. I did not know he had a cousin who excelled in agriculture." Balewalang kwento niya sa akin.

I don't have any knowledge on that as well. Ang kilala ko pa lang na pinsan niya ay si Gaston. "Kakausapin ko siya bukas."

"Okay na sayo na makilala ang parents niya?" She carefully asked.

"Oo, para na rin sa mga bata. They've been asking me repeatedly about them." Direktang sagot ko.

"How about his grandma?" Dahan-dahan niyang tanong ulit.

"I am fine with that too…" Mas mahina kong sambit.

Wala akong kasalanan…ang tumatakbo na lang sa isipan ko ngayon ay ang kahihiyan. Kapamilya ko pa rin ang gumawa noon at hindi na iyon mababago. I would like to clear my name to them kahit alam ko sa sarili ko na mabuti akong tao at wala akong ginawang masama. There is a need for me to do it. Para na rin sa mga bata ang gagawin ko.

Ayaw kong mabuhay sila sa takot at pangamba katulad ko. I want them to experience having a normal family circle. Yung may matatakbuhan sila sa oras ng pangangailangan nila, unlike my experiences na hanggang sarili lang ang maaasahan, at kung hindi pa dumating si Gracie sa buhay ko, hindi ko alam kung saan ako lulugar ngayon.

Nagkwentuhan pa kami saglit hanggang sa tinawag na siya. Napahinga ako ng malalim bago bumalik sa pagkakahiga.

Mas bumilis ang mga araw, hindi naman ako kinakabahan nitong mga nagdaang araw sa nalalapit na pagbisita ng mga magulang ni Sandro pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko para bukas.

Sandros parents will probably be here tomorrow, before lunch. Nasa Maynila pa sila ngayon at bibiyahe sila mamayang madaling araw.

Sinabihan na ako ni Sandro kanina bago siya pumasok sa trabaho na mag o-overtime siya ngayon. Sa labas na siya magdidinner dahil may meeting pa siya kay Mr. Villanueva, ang may-ari ng hotel na pinagtatrabahuhan ko, where Sandro is the main investor.

Wala akong ginawa maghapon kung hindi ang maglinis para bukas, habang naglalaro naman ang mga bata kay Tita Lorna. Nakapamalengke na rin ako ng lulutuin para bukas at tutulungan ako ni Tita sa pagluluto.

Tapos na ako sa loob at sa may garden kaya dito na lang sa may labasan. Kasalukuyan kong tinatanggal ang mga patay ng halaman sa may gate namin ng mapansin ko ang humintong itim na sasakyan sa gilid ng bahay, sa pinakadulo ng bakod.

Napahinto ako sa ginagawa. It wasn't Sandro's car. Baka sa kapitbahay namin. Tumalikod ulit ako at tinuloy ang ginagawa. May bisita siguro ang kapitbahay namin sa kabila.

"Sevie" Narinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko.

I stopped what I was doing and looked at my back. I gasped loudly upon recognizing immediately who it was. He is wearing a casual white dress shirt and slacks. He smiled at me playfully. Something changed in him but he is still the same.

Gaston, he still looked playful to me despite his more matured physique and aura.

Namasa ang nga mata ko. Waves of memories attacked me upon seeing him. Nabitawan ko ang gunting na hawak ko habang unti-unti siyang lumapit sa akin.

"How are you, Sevie?" Tanong niya ng tuluyang makalapit siya sa akin. He smiled at me more habang nanatili akong nakatunganga sa kanya.

I threw my hand on him and hugged him tightly. Narinig ko na lamang ang marahan niyang pagtawa at pagyakap pabalik sa akin.

Loving Sandro Gunner EsquivelWhere stories live. Discover now