I looked at Sandro accusingly. Bakit pakiramdam ko napagplanuhan na nilang dalawa ni Gracie ang mangyayari paglabas ko ng hospital? Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanya, but he only smirked at me. Instead, hinila niya ulit ako paupo sa kanyang tabi.
Agad niya akong niyakap ng patagilid. Both of his veiny arms wrapped around my waist as he kissed my cheeks languidly. Akala niya madadaan niya ako palagi sa ganito? I sigh heavily.
"You will live with me for a moment. Just for a moment, for your recovery please." He said pleadingly.
Huminga ulit ako ng malalim. Ayoko sa gusto niya. I am fine. Though, hindi ko maikakaila na may takot parin akong nararamdaman. Pero nandyan naman si Gracie. At hindi naman ako lalabas ng apartment. Sa loob lang ako hanggang makarecover.
"Ayoko." Hinawakan ko ang nakapulupot niyang bisig.
Mas lalo niyang siniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko. I kinda feel ticklish with it.
"Then let me live with you? How about that? You have two options, live with me or I'll live with you."
Walang akong option doon! At pangit tingnan na magkasama kami sa iisang bahay.
"No, Sandro. Hindi puwede." Pagmamatigas ko. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Bakit pahirap ng pahirap siyang tanggihan sa mga gusto niyang mangyari?
"Then, I'll rent the next door apartment para mabantayan kita? How about that?" He whispered.
His ideas are getting ridiculous at this point. Wala namang pagkakaiba sa una niyang sinabi sa akin. Siguradong sa apartment rin diya titira kung papayagan ko siya.
Tinanggal ko ang nakapulot niyang kamay sa akin. He groaned at my actions. Dumistansya ako sa kanya. I am very aware that his touches can change my way of thinking. I need to think logically for this one.
"First of all, may klase ka at trabaho. Pangalawa, maiiwan lang ako sa penthouse mo. Pangatlo, kaya ko namang gumalaw ng mag-isa. Pang-apat---" Napatigil ako ng bigla siyang magnakaw ng halik sa labi ko. He smirked at me after.
"First of all, wala na kaming pasok, we just need to pass our requirements and I've done it all. Second, I can work from home. I only need to visit the office once or twice a week. Third, it is more safe here, meaning I can work, function well, and sleep peacefully thinking that you are in a safe place. Fourth, I'll promise to bring you back to your apartment after you recover. How about that?"
What the heck did he even said? Napatampal ako ng noo sa mga sinabi niya. So, plinano na talaga niya sa kanya ako titira pagkatapos ko sa hospital? At mag kasabwat sila ni Gracie sigurado, dahil paanong nasa penthouse na niya ang mga gamit ko? I looked at him unbelievably.
"If you do not want me to go insane thinking about your safety, then just for a moment please live with me." Hinaplos niya ang pisngi ko.
"For my sanity, please." He pleaded more.
HOW could I say no? I found myself inside his car going to his penthouse. Binalingan ko siya ng tingin at hindi matanggal tanggal ang ngisi sa kanyang mga labi. I really hate this side of him. Pinaparamdam niya lang sa akin na ako ang laging talunan sa aming dalawa.
Medyo naging mahaba ang byahe dahil sa rush hour. Malapit ng mag alsa sais ng gabi ng makarating kami sa building ng kanyang penthouse. Hindi kami dumaan sa entrance. Dumirestso kami sa pinasadyang parking space niya. Iisa lang ang elevator doon at isa lang din ang pwedeng puntahan, ang penthouse niya.
I sigh heavily after entering his space. Pakiramdam ko sobra akong napagod kahit wala naman akong ginawa maghapon. I wanted to sleep already.
Naramdaman ko ang yakap niya sa akin sa gilid. Sinandal ko ang aking katawan sa kanya. He feel so warm, yung pakiramdam na tama ang inuwian mong tao pagkatapos mo sa maghapong trabaho. He feels like home.
![](https://img.wattpad.com/cover/338184567-288-k460965.jpg)
YOU ARE READING
Loving Sandro Gunner Esquivel
Любовные романыShe was His. That is what she thought. May hangganan rin pala ang lahat, and that includes his love for her. She was his reminder of her best memories while she became the reminder of his ugly past.