Chapter One

93.1K 1.3K 61
                                        

A/N : Ate Ann! Dedicated po sayo kasi ikaw dahilan bakit ako nagka wattpad. Kayong dalawa ni Aramis


ONE






"God! I'm so excited! Halloween party na mamaya. Meaning?" Natatawang wika ni Daile, bestfriend ko. Nandito kami ngayon sa bahay ng tita niya sa may Delia.

Tuwing nagkakaron kasi ng kung ano mang may kinalaman sa costume ay dito kami nagpupunta. Bukod kasi sa magaganda ang tela sa paggawa ay libre pa sa pag arkila.

"Ano bang susuotin mo? I can't choose." Itinaas ko ang dalawang hanger. Isa ay costume na pang Demonya habang ang isa naman ay isang Anghel.

Kinuha nalang basta ni Daile ang hawak kong hanger na may costume na pang Demonya. "This. You look forbidden kasi and a sinner, ya know?"

Tinaas ko ang kilay ko at hinablot ulit iyon sa kanya." Yes to sinner but forbidden? You serious?"

Natawa na lang siya at inangat sa akin ang costume na sailormoon. "Cute nito diba?"

Umiling nalang ako at tinabig 'yon. Kahit kailan baliw kasama ang isang 'to. Pumunta ako sa malaking salamin dala dala ang costume na napili ko, tinapat ko pa iyon sa akin. Mukhang okay naman. Sige na nga. Ito na nga lang.

"Nakapili na ako ng sa akin. Bilisan mo na at baka malate tayo, memake up-an pa tayo ng tita mo!" Sabi ko kay Daile.

Itinapon niya ang kanyang sarili sa couch. "Come on, you're pretty. We're pretty. Bakit ba kabado ka diyan?"

Oo nga naman. Why am I suddenly nervous? Dahil ba makikita ko ulit siya? No, scratch that! Makikita ko naman talaga siya so I need to be really pretty!

"Ilang anak na ang iniluwal mo sa kaka daydream mo?" I was suddenly interrupted by my bestfriend's voice. "Hay nako, Cadence. Why so dense? Can't you see? Theo likes you! Subukan mo muna kasi mag lie low sa mga pamangkin mo."

"What? How can I avoid them? Lumaki kaming magkakasama. Tsaka, problema ba yun? Kung talagang gusto niya ako hindi siya matatakot kina Stan." Depensa ko naman.

Nagkibit balikat lang siya at tinawag ang tita niya na mag-aayos sa amin. Tumingin ako sa orasan. Isang oras na lang, kailangan nandun na kami sa school. Although the school is ours hindi pwedeng malate ako dun.

Kinuha ko ang shoulder bag ko na niregalo sa akin ni Ate last birthday ko, kinuha ko ang aking cellphone. May isang hindi pamilyar na number ang nag text.

Mensahe:

Cadence, this is Theo Reed Montemayor. Anong oras daw kayo dadating ni Daile?

My heart skip a beat. Shit! Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Theo ba talaga ang nag text sa akin? Hinigpitan ko ang hawak sa cellphone ko at pinakatitigan ang text niya. Kulang na nga lang makabisado ko ang number niya!

"Babae."

Napalundag ako bigla sa takot. "Jeez! Bakit ka ba nanggugulat?"

Nagtaas ng kilay sa akin si Daile. "Hala siya, bawasan mo nga yang pakakape mo! Tara na dun!"

Hinila na niya ako sa kwarto ng tita niya. Magaling kasi ang tita ni Daile, sa pag make up at paggawa ng costumes kaya malakas din itong shop niya sa Delia.

Nilagyan lang ako ng tita niya ng konting make up sa mukha dahil mas titingkad ang kulay nun kung light lang. Maputi kasi ako. Well, weird diba? Kasi dapat medyo dark pag maputi. Hayaan na nga. Si Daile naman ay naglagay pa ng Contacts sa mata. Maarte ako pero I hate wearing contact lenses, nakakasira kasi sa mata.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon