NINE
"One two three four five six seventy eight!"
Sinimulan na namin yung exercise na pinapagawa ni Axel. Ang bakla naming choreo. Tatlong linggo na rin nung magsimula yung practice sa Intrams, ngayon ito na ata yung last practice dahil bukas ay magsisimula na ang intramurals.
"Ibatak niyo mabuti yung katawan niyo para maging flexible kayo!" Pangaral sa amin ni Axel tapos ay nag iikot na siya para magcheck.
Umupo na kaming lahat sa semento tapos ay binuka ang mga hita namin. Phew! Good thing is I'm wearing my jogging pants.
"Now, bend!" Ani Axel na sinunod naman naming lahat.
Hindi ko pa nga nailalapag yung mga kamay ko sa lamig ng semento ay para nang mahihiwalay yung kalahati ng katawan ko sa sakit! Shit! Dapat pala nageexercise na ako noon pa!
Sa gilid ng mata ko ay nakita kong inapakan ni Axel ang tuhod ni Bernadette dahil nagbebend 'to. Alam ko namang hindi pwersado ang pagkaka apak ni Axel pero napahiyaw pa rin si Bernadette sa sakit!
I feel you, girl. Para na rin akong napupunit!
Nang malapit na si Axel sa akin ay lalo kong instretch ang katawan ko. Tumutulo na rin ang mumunting pawis sa aking noo. Ugh! Ito yung ayaw ko pag nag prapractice sa Intrams, e. Kailangan pa kasi ng exercise!
Tinikom ko ang bibig ko nang hinawakan ni Axel ang likod ko at lalo pa itong binigatan. Tae! Ang sakit!
"Okay, that's enough." Pumalakpak siya.
Wala pa atang isang segundo at bumalik na kami sa pagkakaupong lahat! Hinimas ko ang likod ko, kamusta naman kaya ang spinal chord ko nito?
Nadinig ko na ang tugtog ng music kaya tumayo na agad ako at pumwesto.
Last na talaga ang pagsali ko dito!
"Cadence, tapos nito, punta tayo kina Berna." Ani Daile habang nagsasayaw kami. Katabi ko kasi siya at malapit lang kami sa isa't isa.
Iginalaw ko ang kamay ko para makasabay sa step. "Huh? 7 ang uwian natin diba? Hindi ako susunduin ni Syche."
Tumawa si Daile at lumayo sa akin para gawin ang huling step ng sayaw. Ako naman ay humanay sa mga lalaki. Hinawakan nina Darren at Aries ang braso ko saka ako itinapon sa Ere. Nasalo naman ako ng limang lalaki at saka nagpose kami hudyat na tapos na ang sayaw.
"Very good!" Tumalon talon pa si Axel. "Ikaw, babaeng brown. Lagyan mo naman ng seductive look ang pagkakatapon sayo!" Nanlaki ang mata ko nang ituro ako ni Axel.
Seductive look? Ikaw kaya itapon ko sa ere tignan natin kung makapang akit ka pa! "Opo, sorry."
Umirap muna siya sa akin. "Okay, siguradong tayo na ang first place! Kahit kulang tayo ng isa, hindi naman siya kawalan! Magpahinga na kayo at diretsyo uwi, ha?"
Alam kong si Sevhire ang tinutukoy niya. Nagquit kasi ito, silang dalawa ni Stan actually. Mas gusto pa ata nila sa competition ng basketball. Nakakabakla daw kasi sa kanila ang pagsasayaw ng ganito tapos ay magbuhuhat daw sila ng mga babae?
Hindi daw sila mga kargador. Natawa nga 'ko, e.
"Uy, ano na? Hinihintay na tayo ni Bernadette." Katabi ko na pala si Daile na nagpupunas na rin ng pawis.
Umiling ako. "Pass muna ako, gabi na kasi."
"7 pa lang! Parehas naman tayong sa Syferath na nakatira!" Kulang nalang ipadyak ni Daile ang mga paa niya.
Inilagay ko na ang backpack ko sa aking likod. Buti nalang talaga at naka itim na racerback sando lang ako para bawas init. Ipinatong ko ang paa ko sa bato at saka itinupi hanggang tuhod ang pagkanda haba haba kong jogging pants.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...