TWENTY ONE
"We wish you a Merry Christmas, we wish you a Merry Christmas! We wish you a Merry Christmas and a happy new year! Namamasko po!"
Nakangiti kong inabot sa bata yung mga candies na binibigay namin sa tuwing may nangangaroling.
"Thank you! Thank you! Ang babaet ninyo, Thank you!" Kanta nila at nagsi-alisan na.
Umihip ang isang malakas na hangin kaya napahawak ako sa aking braso. Kahit naka jacket na ako ay malamig pa rin. Ang dami kasing puno sa Syferath.
"Merry Christmas, tita." Ani Sevhire, humalik siya sa pisngi ko.
"Tapos na, kahapon pa." Tudyo ko.
"Anong tapos na?" Humabol pa talaga si Syche. "Damn! This is the first Christmas that we're not complete."
Bumagsak bigla ang balikat ko. Wala na si Stan. Ni hindi man lang niya ako ginising para sana maihatid siya sa airport. Kanina nga, nagmamadali pa 'ko pero sabi ni Manang Hilda, naka-alis na daw sila Stan. Umiyak ako nun. Wala akong pakelam kung makita man ako ni Manang, paano kasi, masakit.
"Hey, Cadence. Cheer up, okay?" Hinawakan ni Syche ang balikat ko. "Sabi naman ni mom na makakabalik agad si Stan, diba?"
Iyan ang akala nila, my sister called last night. Hindi pa daw sapat ang isang buwan para makalimutan ko si Stan, hindi ko alam kung ilang buwan ang bibilangin ko para makita ko ulit siya. Nakakabaliw naman ito.
Pabiro kong inalis yung kamay niya. "Okay lang ako. Ano ba kayo? Hindi naman ako naka depende kay Stan, e."
Nagkatinginan lang ang dalawa.
"Aalis ako." Ani Syche at pinakita yung susi ng sasakyan.
"You're not allowed to drive yet." Paalala ko, baka mahuli siya.
"Hayaan mo siya, tsaka Arrhenius naman." Inirolyo ni Sevhire yung dyaryong kanina niya pa binabasa.
Ako naman ay nagtaka. "What's with your surname? Porket Arrhenius, sainyo na ang mundo? Aba, umayos kayo ha?"
They just laughed tapos ay sabay pa silang kinindatan ako. Ano ba yan. Ang laswa pag silang dalawa yung gumagawa.
"I'll be right back." Humalik muna sa pisngi ko si Syche bago pumunta sa sasakyan at pinasibad iyon.
Para talagang may kulang ngayon, hindi talaga buo yung kasiyahan ko nang wala siya. Paano ko ba makakayanan ito? Lumabas kaya ako kasama sina Daile? Subukan ko kayang ibalik yung feelings ko kay Theo?
"We're on the same page." Biglang nagsalita si Sevhire sa likuran ko.
Nilingon ko siya. "Ano?"
Lumakad si Sevhire at pumuntang swing, naupo siya doon. Sinenyasan naman niya ako na lumapit sa kanya kaya ginawa ko.
"Anong sinabi mo?" Tanong ko ulit.
"Miss mo na siya agad, diba?" Anas niya.
I smirked at him. "Oo naman, pamangkin ko, e."
Bumuga siya ng hangin. "Pamangkin mo? O mahal mo?"
Nanlamig ako sa sinabi niya, may alam talaga siya? Yung hinala ko, totoo ba iyon? Alam ba niya kung ano ang namamagitan sa amin ni Stan?
"What are you saying, Sev? Nababaliw ka ba? B-Bakit naman ako...magkakagusto sa kanya?" Bigo akong maayos ang tono ng pananalita ko.
Seryoso niya akong tinignan. Namamasa na ang palad ko, kinakabahan na ako at pabilis na rin ng pabilis ang pintig ng puso ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/40257065-288-k989460.jpg)
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...