FORTY FOUR
"Magandang umaga po, Ma'am Cadence. Ang mga kapatid niyo ay nasa hapag na para sa almusal." Yumuko ang katulong sa akin.
Nandito ako sa labas ng mansyon at nagpapahangin. Alam kong sa mga oras na ito ay mapungay o inaantok ang aking mga mata. Paano ba naman kasi, anong oras nga ba ako nakatulog? Alas tres? Alas kwatro? Still can't believe that this thing is happening right now.
Hindi ko na nga inistorbo si Stan, I know that he's dead tired too. Patay iyon sa trabaho at ayokong makadagdag pa ako sa iisipin niya.
Sumunod ako sa katulong patungo sa loob hanggang sa may dining area. Nandoon na nga silang tatlo, si Justine ay nakangiting nakatingin sa akin, si Trav naman ay nakatingin lang. Kabaligtaran ni Karl na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
"Ate Cadence! Come! Sit here!" Tumayo si Justine at kinuha ang kamay ko, dinala niya ako sa bakanteng silya na malapit pa talaga kay Karl.
"Uh.." What can I say?
"Sit." Ani Karl, hindi makatingin sa akin.
Sinunod ko na lang ang inutos niya dahil ayokong maisip nila na nag-iinarte ako. Hindi ko alam kung paano makakakain ng maayos. Pag kasama ko sila ay parang limitado lahat ng galaw ko.
"Eat, Cadence." Marahan akong siniko ni Trav na nasa tabi ko lang.
Napaigtad ako bigla, pwede bang sabihin na lang sa kanila na wala akong gana?
"Come on, Ate Cadence. Kumain ka na po." Ani Justine at ngumiti ng malawak sa akin.
Tipid kong sinuklian ang ngiti niya. Kinuha ko ang tinidor at tinusok ang isang pancake at nilapag iyon sa pinggan ko.
"Just a pancake? No wonder you're too skinny. Get some more, Cadence." Ani Karl at tuluyan ng tumingin sa akin.
Nagulat ako nang kumuha siya ng hotdog at itlog at nilagay iyon sa plato ko, sinamahan niya pa ng kanin. Napangiwi ako. Paano ko ito makakain ganitong wala nga akong gana?
"Ubusin mo." Aniya at tumayo na.
"Where are you going, Kuya?" Nag-angat ng tingin si Trav kay Karl. Hindi siya sinagot nito bagkus ay nagtuloy-tuloy lang sa pag-alis.
"Kuya KD is so pabebe." Justine made a face. "Hayaan mo na lang siya Ate Cadence."
"Mga salita mo nanaman Jus!" Ani Trav at humalakhak.
Narinig ko na lang na sabay na silang tumatawang dalawa. Should I be happy? I look like I'm the extra here. Parang pinilit lang akong ilagay sa picture nila.
Kinain ko lahat ng binigay sa akin ni Karl. Kahit na masakit na ang tiyan ko ay inubos ko pa rin ang mga iyon. Nakakahiya naman kasi. Para umiwas sa kanilang tatlo ay tinulungan ko ang mga katulong na maghugas. Dinig na dinig ko nga yung kulitan nila, e.
"Nako po, Ma'am! Kami na po ang maghuhugas." Lumapit sa akin ang isa nilang katulong at tinangkang agawin ang hinuhugasan kong pinggan.
Inilayo ko ito sa kanya. "Huwag na po. Ako na." Sabi ko.
"Pero ma'am, mapapagalitan po kami ni Sir KD." Yumuko 'yong katulong sa akin.
Mapapagalitan? Wala naman ata siyang pakialam sa akin. Kinuha lang nila ako sa mga Arrhenius dahil ako ang kapatid nila. I really don't get them. Sana ay hinayaan na lang nila ako doon.
Marahan kong pinunasan ang kamay ko. Katatapos ko lang maghugas, si Justine ay nagpaalam na papasok sa eskwela. Hindi ko pa nalilibot ang buong probinsya. Siguro minsan sasama ako kay Justine.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...