Chapter Thirty One

20.8K 448 12
                                    

THIRTY ONE

Hindi ko agad napasok sa aking isipan ang sinabi niya. What? Ano ulit iyon? Saan niya nakuha ang kwento na 'yon? Lalong nagkandagulo-gulo ang isip ko. Napaiwas ako bigla ng tingin sa kanya.

"So?" Dinig kong sabi niya.

Napairap ako at tumayo. "That's not a good joke, Francis." Sabi ko nang maalala ang kanyang pangalan.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, hindi na siya mukhang maloko. "Do I look like I'm joking?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napakuyom ang aking kamao. Balak ko na sanang lagpasan siya nang magsalita siya bigla.

"Wala naman akong mapapala kung niloloko kita." Aniya. "And please, just Lorcan. Call me Lorcan."

Ewan ko sayo. Kahit kailan ay hindi ko na tatawagin ang pangalan mo. Hindi ko na siya pinansin at didiretsyo na sana sa loob nang masilaw ako sa ilaw ng sasakyan. Napansin kong napalingon din doon si Francis o Lorcan.

Huminto yung sasakyan sa harapan namin, umatras ako ng kaonti. Who's this? Sakto naman ang biglang paglabas ng dalawang naggagandahang mga babae.

"Lorcan!" Matinis na sigaw ng babaeng mahaba at straight ang buhok. Yumakap siya kay Lorcan.

"Too clingy, Ces." Ani Lorcan at kinalas ang brasong nakapulupot sa kanya.

Lumipat ang tingin ng isang babae sa akin. Sabay tingin din kay Lorcan. "Is she your girl?" Turo ng babae sa akin.

Palagay ko ay uminit ang magkabilang pisngi ko nang tumawa ito. "Nah."

Shit! Nakakaabala na ako, iniwan ko na sila at dumiretsyo na ako nang pasok sa bahay. Sa totoo lang ay ayaw ko pa, pero wala akong magagawa. De bale nang makita ko si Stan kasama ng babae niya.

Pero gumugulo pa rin sa aking isipan ang sinabi ng pinsan ni Stan. Where did he get that? Alangan namang napulot niya lang sa kung saan. Shit! Sumagi sa isipan ko ang aking birth certificate. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ako non. Ni hindi ko pa nga iyon nakikita! Kayanga laking gulat ko nang payagan ako makagraduate sa Feranithy.

Ano nga ba iyon? Lalong gumulo ang isip ko. Hinang-hina akong napaupo sa silya, inilabas ko ang pouch ko at kinuha ang aking phone. Hinanap ko agad ang numero ni Yel bago tinawagan iyon.

Pagkatapos ng limang ring ay sumagot na. "Hello?"

"Yel? Si Cadence 'to." Bungad ko. Bakit nga ba ako tumawag? "Kamusta ka?"

I heard her laughed. "Seriously, Cadence? Yun lang talaga? Hindi ako naniniwala."

"Uh.." Nalipat ang tingin ko sa gawi ng kabilang mesa, ganoon na lamang ang kaba ko nang mapagtantong ang mga pinsan ito nila Stan! "Ah kase.." Umiwas ako ng tingin dahil biglang napatingin yung Mikael. DAMN!

"Ah? Eh? Ih? Oh? Uh?" Nanunuyang wika ni Yel. "Ay! Bakit iba na pala number mo? Hindi ko tuloy nakilala."

Buti na lang may nasabi siyang mapaguusapan naming dalawa. "Binili kasi ako ni...I mean, kasi, masyado ng matagal yung dati, e." Pagpapalusot ko na lang.

Matagal siya bago sumagot. "Talaga? Dan called me, he said na lumipat ka na daw. Hindi mo man lang sinabi sa amin ni Rora."

Lihim akong napangiti. Nagtatampo siguro sila. "Don't worry, I'll visit. Kahit naman ako ay nabigla rin."

Saglit na katahimikan ang namayani. Shall I tell her? Can I trust her? Paano kung maiba ang tingin niya sa akin? Kung mandiri siya?

Pinikit ko ng mariin ang aking mata. "Yel, pabor ka ba sa incest?"

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon