Chapter Twenty

24.1K 538 18
                                    

TWENTY

Hindi na kami nag-usap ni Stan pagkatapos nun. Hindi ko nga alam kung paano ko pinatapos yung gabi na umiiyak at nag-iisip. Ako na nga lang din ang nagtapon sa nabasag na vase, e. Mamaya na nga lang ako magpapaliwanag kina Sevhire.

"Oh? Aalis ka? Akala ko hindi mo iiwan si Cadence? Tangina ka talaga, sabagay. Mas maraming magagandang chix dun." Halakhak ni Syche.

Sinilip ko sila sa kwarto ni Stan, namataan kong nag-eempake na siya. Aalis na pala talaga siya.

"Cadence! Come here! Bukas na alis ni Stan--"

"Magkikita pa kami ni Theo, Syche." Matabang na wika ko.

Agad naman akong tinignan ng matalim ni Stan pero hinayaan ko na lang iyon at bumaba na.

"Morning, tita. Bihis na bihis, a? May date ka?" Bati ni Sev sa akin at niyakap ako.

"Oo. Lalabas kasi--"

"We're going out." Nagulat ako dahil nasa tabi ko na pala si Stan! "Tomorrow is my flight so I'm gonna spend my time with her."

Humalukipkip si Sevhire at pinilig ang kanyang ulo. "Pasko ngayon, ang lungkot naman kung kami lang ni Kuya ang magkakasama. Magsasawa ako sa mukha niyan."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Don't worry. Uuwi rin kami ng gabi." Aniya at inakbayan ako.

Naglahad naman ng kamay si Sevhire at pinadaan kami, magproprotesta sana ako kaso ay bigla akong tinulak ni Sevhire kay Stan, nagtawanan yung dalawa at nag apir pa.

What the?

"Stan! Ano yun? May alam ba si Sev?" Tanong ko.

Nagkibit balikat lang siya, minadali niya 'kong pinasok sa sasakyan. Hinintay ko naman siyang makapasok rin.

"Stan? Akala ko ba nag-usap na tayo--"

Pinutol niya 'ko. "Ano ba pinag-usapan natin?"

Kulang na lang ay ihampas ko siya sa steering wheel. "You have to avoid me, Stan."

"Hindi iyan ang pinag-usapan natin." Tamad na minaneho ni Stan yung Montero Sport. Wala pang lisensya si Stan pero nagmamaneho na, pag kami talaga nahuli, iiwanan ko siya, e.

Nagtaka ako kasi hindi man lang nilabas ni Stan yung sasakyan sa subdivision, umikot lang kami sa Caldwell at Craigmount. Hanggang sa matanaw ko ang isang napaka gandang tanawin.

Para akong nasa Eco park! Ang ganda! Inihinto ni Stan yung kotse. Puro halaman yung nakikita ko, merong mga iba't ibang bulaklak. Pakiramdam ko talaga nasa ibang bansa ako dahil sa ganda!

"May ganito sa Syferath?" Manghang tanong ko nang makababa na ako.

Pumamulsa muna siya. "Yeah, I made this place for you."

Nagtatanong na mata akong tumingin sa kanya. Anong ginawa niya?

"Don't look at me like that. You know I can do anything for you." Hinawakan niya ang kamay ko.

Pagkahawak niya ay may boltaheng dumaan doon at tumama sa puso ko dahilan para maghuramentado ito ng husto. I looked at Stan, he's staring at me.

"Bakit mo ginawa ito?" Tanong ko, I'm trying my very damn best not to cry in front of him!

"Sinasabi ko na diba?" He held my chin. "Para sa'yo."

Parang ice candy akong natunaw sa mga titig niya, pinikit ko ang mata ko at umiwas. "Pinapahirapan mo lang ang sarili mo, Stan. Dapat ay iniiwasan mo na ako."

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon