TWENTY EIGHT
Tinupad nga ni Stan ang sinabi niya. Binalik niya si Dan, paglabas nga namin ng office kanina ay kinausap na niya agad ito.
"Pamangkin mo pala yun?" Ani Dan at sumimsim ng beer na hawak niya. Nasa labas kami ng building ngayon.
Tumango ako at tiningala yung taas ng building. Napasimangot ako nang makita si Stan na nakatanaw sa amin. Umiwas agad ako ng tingin dahil agad uminit ang magkabilang pisngi ko.
He kissed me! We kissed! Sino bang hindi mahihiya doon? Nung tinanong nga niya ako kung pwede kami bumalik sa dati ay hindi ako makasagot. I don't know what to choose, anymore.
"Namutla ka?" Ani Dan at basta na lang tinapon yung lata sa kalsada.
Sinundan ko ng tingin yung lata na nayupi na dahil nadaanan ng sasakyan. "Pasensya na kanina, ha?"
"Bakit naman? Buti nga hindi ako nasapak ng pamangkin mo." Ani Dan at kumuha naman ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito.
Agad naman akong dumistansya sa kanya. May asthma pa rin kasi ako hanggang ngayon. "You're not mad?"
"Hindi. Naiintindihan ko siya, ako nga kapatid na talaga ang turing ko sayo." Aniya at bumuga. "Pasok ka na, naninigarilyo pa ako."
Ngumiti ako kay Dan at nag fist bump pa kami. Masaya akong pumasok sa loob ng building at bumungad agad sa akin ay sina Aurora at Yel.
"Cadence! After work we're going to Styx!" Kumabit sa akin si Aurora at tumalon-talon pa.
Nagtaas ng kamay si Yel. "Nope! Hindi ako ang nagyaya. Si Aldrich, libre niya daw. Birthday kasi ni Meine, e."
"You're free, right? COO ka. Come on! Give yourself a break!"
Hindi na ako nakahuma nang paulanin nila ako ng samu't saring mga salita. Gustong gusto talaga nila na nagpaparty. Sabagay, ano namang magagawa ko? Masaya naman talaga kapag nasa bar ka. Maingay na music, sayawan at kantahan pa.
Inilagay ko na ang mga gamit sa bag. I didn't see Stan, siguro may meeting? Bago lang kasi siyang namamahala dito. Baka naman pinag-aaralan kung paano niya mahahandle ng maayos ang kompanya?
Pinagmasdan ko mabuti ang cellphone ko. Nakaupo ako ngayon sa bench malapit sa parking lot, wala akong sim. How can I contact Dan? Sasama rin kaya yun? Mas nauna na kasi siyang umalis sa akin kanina.
Abala ako sa pagmumuni-muni nang masilaw ako sa headlights ng sasakyan, bumaba sa sasakyan si Jelly at kumaway.
"Cadence! Styx!" Aniya at hinila ako patayo.
Hindi pa 'ko nakakapagpaalam! Napag-alamanan kong dalawang sasakyan pala ang dala. Naaninag ko kasi yung isang Avanza pagka sakay ko sa sasakyan ni Aldrich.
"Teka.. magpapaalam muna ako." Hinalughog ko ang cellphone ko sa aking bag. "Shit!" Yung sim!
"Guys.. guys! Have you seen the new CEO? God! He's so hot! Pamangkin mo daw, Cadence?" Maarteng wika ni Jelly at mistulang kuminang pa ang mga mata.
Tinago ko na ulit ang cellphone ko sa bag. "Y-Yeah.. bakit?"
"Anong bakit?! May mga kapatid pa ba siya? You know, I kind of like him but.. marami na akong kaagaw, e!" Ani Maegan at inirapan pa si Jelly.
Hindi naman nagpatalo si Jelly at nagparinig rin kay Maegan. "Kasi yung iba diyan hindi marunong lumandi... Nakukuntento na lang sa titig!"
"Like, duh!" Iwinasiwas pa ni Maegan ang kamay. "Paano kung may girlfriend na yung tao? Edi nasabihan pa ako ng malandi? I'm not like you kasi... you know? Pokpok?"
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
Ficción General"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...