THIRTY TWO
Sinundan ko si Stan hanggang sa makita ko na lang ang sarili kong nasa harap ng isang malaking puno katapat ng playground. Agad kong sinisi ang sarili ko sa pagsunod sa kanya.
Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko. Napaisip ako bigla, ano nga ba ang pag-uusapan namin?
"Bakit kinakausap mo siya?" Mabilis na tanong niya, nakaharap siya sa puno at nakatalikod sa akin. "You like my cousin, tita?"
Napapikit ako saglit. Tinawag niya akong tita.
"Answer me, Cadence." Mas lalong lumamig ang kanyang tono.
"H-Hindi." Lumunok ako. Nagiging pasmado na rin ang aking mga kamay.
"Pero mukhang gusto ka niya?" Ani Stan at humarap sa akin. Nananatiling walang emosyon ang kanyang mukha. Bakit ba siya nagagalit.
Lumabi ako. Nasasaktan ako nitong araw dahil sa nalaman kong maaaring hindi nga ako kapatid ni Ate, kahit na wala pang kumpirmasyon iyon ay pakiramdam ko naloko ako. Pero tama ba na maging masaya rin ako? Masaya dahil pwede nang maging kami ni Stan?
Pagiging maka sarili pa ba iyon?
"Cadence, look at me." Ani Stan, pagtingin ko sa kanya ay nakalapit na pala siya. "Do something about this, Cads. Nagseselos ako."
"Bakit ka ba nagseselos? Wala ka namang dapat ika selos."
Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Stan na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko, hinawakan niya ang kamay ko.
"Come again?" Aniya habang hinahalikan ang likod ng palad ko.
Nag-iwas ako ng tingin. "Ako nga ang dapat na magselos."
"Bakit?" Paos na wika niya. "Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko."
Humigpit ang pagkakahawak ni Stan sa mga kamay ko dahilan para bumaba ang mga tingin ko sa mga iyon. Ang erotikong pagpintig ng puso ko nanaman ang aking naririnig!
"Look at me, princess." Aniya at nilapit ang katawan niya sa akin. "I love you."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya bigla. Kasabay nun ay ang pagdampi ng kanyang labi sa akin, nanlaki ang mata ko. Shit! Hindi ko inakala iyong gagawin niya, biglang hinawakan ni Stan ang balikat ko at sinandal ako sa puno. Sumabay pa talaga sa amin ang malamig na inip ng hangin.
Humiwalay si Stan para maghabol ng hininga. Ni hindi ko siya naitulak man lang dahil sa bilis ng ginawa niya.
"Sorry." Bulong niya at sinandal ang kanyang noo sa gilid ko. "I just want to kiss you, sorry. I missed your lips."
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa aking pisngi. Nakasandal pa rin ako sa puno at hinayaan siya. Hinayaan ko nang kontrolin ako ng damdamin ko noon. Hahayaan ko pa rin ba ngayon?
"Cadence.. mahal mo pa rin ba ako?"
Shit! Nanghina ako sa tanong niyang iyon. Parang na corner ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot. Hindi ko alam kung anong iisipin. Kailan ba hindi?
Kinuyom ko ang aking palad. Diyos ko, patawarin niyo po ako.
"Oo."
Hindi nagsalita si Stan, inangat niya ang kanyang ulo at tumingin sa akin. Sumilay sa kanyang labi ang ngiti. Maya-maya pa ay bigla na lang siyang tumawa ng malakas. Yung tawang may kasamang iyak, lumayo siya sa akin at tumingala. Nakita ko ang isang butil ng luha na tumulo galing sa kanya.
He's crying!
"Fuck. I knew it. Fuck!" Aniya na parang may nahulaan na. "Mahal mo ako. Mahal mo pa rin ako."
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...
