THIRTY FIVE
Kinabukasan ay nagising ako sa ingay ng katok ni Sevhire sa akin. Buti na lang talaga hindi ko hinayaang matulog si Stan sa kwarto ko kagabi. Kinamusta ako ni Sevhire kung sasama daw ba ako, I want to have a time with him so pumayag na akong sumama sa kanya.
Ang problema na nga lang namin ngayon ay si Stan na gustong sumama.
"What? What do you mean that I can't?" Ani Stan at pinagpupumilit pa talaga niya.
"Bro, Sevhire will guard our auntie. Stop overreacting! Paano magkaka boyfriend si Cadence niyan?!" Si Syche ang nagpaliwanag.
Pareparehas kaming nandito sa baba. Nakabihis na ako at ganoon din si Sevhire. Hindi nga lang kami makaalis dahil kay Stan na gustong sumama. Sana naman sa ginagawa niya walang mapasok na kung ano sa isipan ni Syche.
"Fuck! Bakit ba kasi hindi nga pwede?" Sigaw ni Stan na kulang na lang ay basagin ang vase na katabi nito.
"May meeting kayo diba? Kayong magpipinsan?" Kumpara kay Syche ay mas kalmadong sinagot ni Sevhire ang tanong ni Stan.
"And so?"
Napailing na lang ako.
"Stan, I'm okay. Sev's with me so don't worry." Sana naman maintindihan niya na hindi kami pwedeng magsama sa lahat ng oras.
Mukha kasi talagang nakatunog na si Lorcan sa amin, kinausap din ako ni Sevhire na huwag masyadong sumama at dumikit kay Stan. Kahit pag kasama lang yung mga pinsan nila.
Huminto sa kakasalita si Stan at tinitigan ako na parang nag-iisip. Ang lalim lalim ng iniisip niya e, wala naman talaga siyang dapat pag-isipan.
Tumayo si Stan at mariing tinuro si Sevhire. "You. Fucking. Watch. Her. All. The. Time." May diin sa bawat salita niya.
Napakagat ako ng labi at nailipat ang tingin ko kay Syche na nakakunot noong nakatingin kay Stan. Please, sana naman wala siyang maisip na iba.
Nawala ang tingin ko kay Syche dahil bigla akong inakbayan ni Sevhire at nilapit sa kanya, napasinghap ako nang maramdaman kong hinalikan niya ang aking sentido. Taranta akong napatingin kay Stan na nag-iigting ang bagang! Oh, Shit!
"Course, she's my auntie." Ngiti ni Sevhire at hinawakan na ang kamay ko para makalabas na kami ng bahay.
Habang hawak hawak niya ako ay hindi ko mapigilang hindi siya tanungin. "Why did you do that?" Tukoy ko sa ginawa niya kanina.
"Did you see Syche's eyes? He's concluding something, Cadence!" Ani Sevhire at sinakay na ako sa front seat.
Umikot si Sevhire sa sasakyan at naupo na rin sa driver's seat. "I'm sorry, kailangan ko gawin iyon para matigil ni Syche ang kung ano mang iniisip niya."
Tumango na lang ako at inilugay ang aking buhok. Lalong kumulot ang dulo nito dahil basa pa nang itinali ko. Nagsuklay na lang ako sa front seat habang nagmamaneho siya.
"Saan nga ulit yung party?" Tanong ko kay Sevhire habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ngayon ko lang ulit naapreciate yung ganda ng Syferath.
Tumikhim siya. "Vista Verde."
"Saan ulit?" Ulit na tanong ko. That sounds so familiar! Parang narinig ko na ang lugar na iyon!
Saglit akong nilingon ni Sevhire pero tinuon ulit ang atensyon sa daan. "Pamilyar yun sayo. Nadaanan natin yun noong nagpunta tayong Hacienda."
At hindi lang yun! Sabi rin nung katiwala ni Manang Elita na nung nagpunta ako na nandoon daw yung matanda sa Vista Verde. O my God! Anong ibig sabihin nun? Napuno ng excitement at kaba ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...
