ELEVEN
Alas dose na ng hapon tapos ay may pasok pa kami dahil last day na ng Intramurals. Buti na lang din at magaling na si Stan, kahapon nga nung inuwi niya 'ko sa bahay, suka siya ng suka, e. Nabinat siguro. Ang kulit kasi!
Hindi ko naman siya magawang iwan para bumalik sa school dahil sa lagay niya. Kaya bilang tita ay inalagaan ko na lang.
"Make it faster, guys! Huwag nga kayong pagong kung lumakad!" Pumameywang ako sa kanila.
Sevhire looked at me. "Calm down."
"Oo nga! 12 noon pa lang, Cadence. Anong oras ba start ng sayaw niyo?" Syche asked.
I rolled my eyes tapos ay naglakad na palabas sa napakahabang Syferath. Biruin mo? Halos fifteen minutes na kaming naglalakad tapos ang init, init! Yung mga kasama ko pa, chill lang kung maglakad!
Ang sarap lang pagbibigwasan!
Inayos ko na ang buhok ko habang naglalakad. Suot ko na rin yung mahaba kong medyas. Medyo nangangati ako pero ayos lang. Atleast hindi nababastos diba?
"Fishball! Fishball kayo diyan!"
Nilingon ko yung nagtitinda. Wow! Fishball! Hindi pa 'ko nakakakain niyan pero mukhang masarap. Lumapit ako doon at dinukot ang pitaka ko sa aking bag.
"Bilisan daw." Bubulong bulong si Syche sa gilid.
"Shut up!" Nilingon ko siya, nakita ko si Stan na ngumingisi.
Eh sa konti lang nakain ko kanina! Paano kasi, nagfocus ako sa pagsaway sa mga pamangkin ko! Pinaglalaruan ba naman yung mani? Grr!
"Ano, hija? Ilan gusto mo?" Tanong sa akin nung matanda.
Pinasadahan ko nang tingin yung mga tinda niya. Ang daming mantika naman nun! Pinapalitan niya kaya yun?
"Magkano po ba yung isa?" Tanong ko.
Ngumiti siya sa akin. "1.50 yung isa, Hija."
What? Nanlaki ang mata ko. Ang mura naman! "Sampu nga po!"
Humalukipkip ako habang hinihintay yung fishball na iniinit pa ata niya, paglingon ko sa kaliwa ay yung tatlong baliw na kumakain na rin ng kulay orange na pabilog. Ano nga ulit tawag dun?
Ilang minuto lang ata niya niluto yung mga binili ko at tinusok na niya sa mahabang stick tapos ay binigay niya sa akin.
"Pumili ka riyan kung anong sawsawan ang gusto mo." Tinanggalan niya ng mga takip yung tatlong garapon.
"May maanghang po ba? Ano po yung maanghang?"
Tinuro niya yung isang garapon na may laman na sawsawan na may nakalutang na sili at amoy maasim. Tumango naman ako at nilublob yung fishball.
"Calling all the Feranians outside. Please do proceed to the school now. Again, calling all the Feranians outside, our program is about to start so please proceed to the school, NOW."
"Oh!" Inayos ko ang strap ng bag 'ko at mabilis na naglakad papasok sa school.
Shit! Ang daming tao! Pila kung pila! Sabagay? What do I expect? Ito na yung araw kung saan pwede na ang booths. Yung mga games din ay mabibigat na.
"I saw Daile. She's with Darren. Classmate mo yun diba?"
Nagulat ako dahil nasa tabi ko na pala yung tatlo. Tumango ako kay Stan.
"Sige na, Cadence. Huwag ka makipagsiksikan ha? Baka magising yung hindi dapat magising sayo." Sev tapped my shoulder.
Nagpaalam na ako sakanila at pumunta na sa pila ng mga Juniors. Kulay asul yung jersey namin kaya madaling makita. Yung iba kasing mga jersey ay may mga kapareha lalo na sa elementary.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...