Chapter Twenty Seven

22.9K 598 34
                                    

TWENTY SEVEN

Iniwan ko si Stan doon. Wala namang patutunguhan ang pinag-uusapan namin. We will never happened. Dapat ay itatak niya na iyon sa kanyang utak.

Naabutan ko si Kuya Isko, happily eating his lunch. Iyong binigay ni Stan na binigay sa akin ni Dan. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Sarap na sarap kasi siya sa pag kain doon, hanggang sa makita ko na lang ang sarili kong nakangiti.

"Cadence!" Bati sa akin ng isang katrabaho ko na si Aldrich, lumabas ang dimple niya dahil sa pag ngiti. Kumaway din ako pabalik.

"You're too friendly."

Napasinghap ako nang maramdaman ang init ng hininga ni Stan sa aking batok. Napaatras ako at bigla siyang hinarap, wala na ang coat niya na nakalagay kanina sa kanyang balikat.

"Bakit ba sunod ka ng sunod?" Inis na tanong ko.

"Galit ka?" Kunwari pa ay inosente siya.

Natigil ang pag-uusap namin dalawa nang dumating si Aurora.

"Cadence! Sir Arrhenius!" Yumuko siya kay Stan at ngumiti naman sa akin. Ramdam ko ang pagpapalit-palit ng tingin niya sa aming dalawa.

"Aurora si Dan?" I asked.

"Kumakain kaming tatlo sa canteen kanina kaso nauna na ako."

Tumango ako at umalis na, maaaring nagtataka siya kung anong meron pero wala naman akong panahon na sagutin ang kung ano ang namumuong ideya sa kanya. Dumiretsyo ako papuntang elevator, binabalewala ang tawag sa akin ni Stan.

Shit! Pinagtitinginan na kami! Ang tagal bumukas ng elevator. Maaabutan na ako ni Stan, no choice. Hinubad ko ang heels ko at binitbit na lang iyon, nagmamadali akong bumaba ng hagdan. Kada baba ko nga ay tumitingala ako sa itaas, paano kung maabutan niya 'ko?

Hingal na hingal na ako. Gusto kong magpahinga pero yung takot na baka masundan ako ni Stan ang pumipigil sa akin. Tumingin ulit ako sa itaas para masiguradong hindi niya ako nasundan.

Makakahinga na sana ako nang maluwag kaso ay nang bumalik ang tingin ko, nasa harapan ko na pala si Stan! He's freaking panting! Muntik na akong mapatili! Kundi niya lang nilagay ang kamay niya sa bibig ko at sinandal ulit ako sa pader.

How did he get here? Sa pagkaka-alam ko naman ay nasa likuran ko lang siya kanina? Kinuyom ko ang palad ko at tuluyang nabitawan ang heels ko sa panghihina. Nagsanhi iyon ng isang ingay dahil tahimik nga dito.

"Nice escaping." Pinuri niya pa talaga ang ginawa ko.

Inalis ni Stan ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko. Humugot siya ng isang malalim na hininga. "I'm sorry. Natakot ba kita?"

Kumalabog ang puso ko. Ako pa rin ang iniintindi niya sa kabila ng lahat. Hindi ako nakasagot sa kanya at nananatili lang nakatikom ang bibig.

"You see, I'm still in love with you. I can't move on, Cads." Bigong-bigo na wika niya. "I'm so sorry, pero ginawa ako para sayo."

Nanlambot na ako. Pwede bang himatayin na lang?

"Don't talk to him anymore. Ayokong nakikipag-usap ka sa posporo." Aniya

"Are you insulting him?" Bakit niya tinawag na posporo Dan?

He raised his hands. "I'm not." 

Pero bakit ganun ang pakiramdam ko? Tinawag niyang posporo si Dan dahil sa pulang buhok nito? Kahit naman sisiga-siga ang isang 'yon ay wala siya ni isang tattoo.

Walang salitang binigkas si Stan, nakatayo lang siya sa harapan ko. Sapat na ang distansya sa aming dalawa para matanaw ko ang kakisigan niya. Bigla akong naglahad ng kamay sa kanya.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon