Chapter Twenty Three

21.8K 504 24
                                        

TWENTY THREE

Maingat kong inilagay sa lalagyanan yung mga pinggan na hinugasan ko kanina. Si Dan kasi, tinakasan nanaman ako. Baliw talaga kahit kailan ang isang 'yon. Nang matapos na ako ay pinunas ko ang aking kamay sa towel.

Sinilip ko si Dan na ngayon ay nakahilata sa sofa. Pagod nanaman. Umuwi na nga ng maaga, pagod pa siya. Antukin talaga ang isang 'to.

"Gising na diyan." Binato ko siya ng isang rolyong tissue.

"Tss." Halatang nainis, tinakpan ba naman ng unan yung mukha, e.

Kainis naman 'to. 

"Dan, gising. Punta tayo, court." Pumunta na ako sa kanya at saka siya niyugyog.

Inis naman niyang inalis yung unan at binato. "Tsk, court? Puta."

"Mura nanaman!" Pinalo ko yung bibig niya. "May bola ka diba? Tara! Basketball."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga at tumayo. "Marunong ka mag basketball?"

Tumango ako. Sabagay, paano niya ba malalaman? Simula ata nung nag tapos ako ng high school hindi na ako nakakapag basketball. Masyado kasing stress yung college, kailangan, aral kung aral.

"May bola ka diba?" Nakikita ko kasi dati si Dan na naglalaro ng basketball, e.

"Oo, sa court. Kakapunta ko lang kaninang umaga."

Umirap ako. "Tamad mo talaga, ayaw magbitbit. Tapos kanina? Hindi mo pa 'ko tinulungan mag hugas!"

"Aalis ka mamayang gabi para pumunta sa Quezon. Malamang ako na maiiwan dito hanggang Linggo!" Paliwanag niya.

Sus, dahilan ba yun? Tamad lang talaga siyang maghugas at gumawa ng ibang gawaing bahay. Tsaka, sigurado namang mag-uuwi yun ng babae dito. Pag ito talaga nadatnan kong magulo yung bahay, palalayasin ko, e.

"O? Ano? Anong sabi nung pamangkin mo? Bakit kailangan tuwing Sabado na lang nandun ka?" Para namang naiinip na si Dan.

"Bakit ba ang dami mong hinanaing sa buhay? Of course they are my nephews! Kalahati ng buhay ko sila yung kasama ko. What's your problem with that?" Sabi ko habang nakahalukipkip.

Medyo naiinis na ako kay Dan. Lagi na lang kasi niyang kwinekwestiyon kung bakit na lang tuwing weekends ay wala ako. Para naman sobrang namimiss ako nung isang yun. 

Umalis na kaming dalawa, hindi naman niya ako sinagot kung anong problema niya. Bigla na lang niya akong tinalikuran tapos ayun umalis, sumunod na lang ako. Sa 6 months na kasama ko si Dan sa iisang bahay syempre hindi mawawalan ng tampuhan sa amin pero naaayos naman agad.

"O!" Malakas niyang pinasa yung bola.

Napapikit ako. "Dahan dahan nga! Akala mo naman kauri mo yang pinapasahan mo."

"Ay sorry? Hindi ka pala tao?" Aniya.

Sinimangutan ko siya, bigla kong binato kay Dan yung bola. Ayun sapul siya sa tiyan.

"Tang ina. Cadence, naman! Binibiro lang!" Daing niya. Hawak hawak niya yung parte ng tiyan niyang natamaan ng bola.

"Biro mo yang mukha mo!" Anas ko. Tiningala ko yung court.

Tumakbo ako ng mabilis  at tumalon para maabot yung ring.

"Kilos lalaki ka pala?" Drinibble ni Dan yung bola at saka shinoot iyon.

"Sakto lang." Sagot ko,  pinulot ko yung bola at saka pinasa sa kanya.

Nakita ko ang paghabol ng tingin niya sa akin. "Ang tagal na nating magkakilala pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung may naging syota ka na."

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon