Chapter Thirty Seven

19.9K 412 26
                                    

THIRTY SEVEN 


Napagdesisyunan namin ni Stan na magpunta sa Cavite kung nasaan yung probinsiya. Sabi ko nga sa kanya na sana ako na lang, pero ayaw, e.


"Stan, may meeting pa kayo ni Mikael diba?" Tanong ko sa kanya.


Tamad niyang minaneho ang sasakyan. "Yeah."


Ngumuso ako. "Baka mag-away kayo."


Hindi siya sumagot sa akin. Mikael is a perfectionist one. Gusto niya laging tama, strikto din siya kaya natatakot ako na baka sila naman ang mag-away nang dahil sa akin.


"Don't think too much." Ani Stan at ipinatong ang isa niyang kamay sa kamay kong namamahinga sa aking hita.


Tinignan ko ang mga kamay namin at hindi ko na napigilan pa ang pag ngiti. Makasama ko lang talaga siya sa bawat problema ay alam kong kaya ko iyong harapin.


Nang nasa probinsiya na kami ay nasipat ko agad ang naglalakihang puno at mga magagandang tanim. Kung dito na lang kaya ako tumira? Ang sarap siguro. Tahimik kasi. Hindi tulad sa Manila, marami na yung populasyon doon.


"Stan!" Kuha ko ng atensyon niya nang may mamataan akong puno ng santol. Mukhang malalaki na yung bunga non at pwede nang pitasin. "Wait lang."


Sakto namang tinigil ni Stan yung Montero Sport niya sa tapat nung puno, nagmadali akong bumaba dala dala yung itim kong backpack. Sumunod naman sa akin si Stan.


"Don't tell me aakyat ka diyan?" Ani Stan at tiningala yung puno. "And you're going to put the fruit inside your backpack?"


"Kayanga may dala akong ganito." Alam ko kasing maraming mga prutas ang namumunga dito. "Sino ba may ari nito?"


"Us." Matipid na sabi ni Stan.


Tinitigan ko naman siya at kumunot ang aking noo. "Huh?"


Itinuro naman niya yung karatolang nadaan namin kani-kanina lang.


Syferath's road.


Ngumuso ako. Kaya naman pala, pwedeng pwede akong pumitas dito.


"Stan." Tawag ko. "Uy." Untag ko sa kanya dahil nakatingin lang siya sa aking likod.


"You're cute." Aniya at ngumisi pa. "Hindi pantay."


Noong una hindi ko maintindihan yung ibig niyang sabihin hanggang sa lumapit siya sa akin at inalis yung bag ko. Itinaas niya pa yung isa niyang hita para mapagpatungan nung bag at saka niya inayos yung strap nito.


"Arte." Bulong ko sa gilid.


Ngumisi na lang siya ulit at siya na yung naglagay ng bag sa aking likod. "Fruit too heavy, Cads. Baka bumigay ka niyan."

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon