TWENTY FOUR
My eyes widened the moment I saw his face. Hindi ko nga lubos akalain na siya iyon! I repeatedly asked myself if I'm just dreaming! Kulang na nga lang ay sampalin ko ang aking sarili.
"S-S-Stan." Kahit pagbanggit pa lang sa pangalan niya ay hindi ko magawa!
He stepped out of the dark. Sa hindi malamang dahilan ay humataw nanaman ang puso ko. He changed! A lot! Kahit hindi hapit ang shirt na suot niya ay halata mo ang tamang laki ng kanyang katawan!
"Cadence."
Pakiramdam ko ay nagyelo ako sa aking kinatatayuan, binanggit niya lang ang pangalan ko, halos kumawala na sa dibdib ko ang aking puso.
Nag-iba ako ng tingin. "D-Dumating ka na pala?" Stupid question!
Tumikhim siya. "Yeah. Actually kanina lang. How about you? Bakit gabing gabi na nasa labas ka pa rin?"
"I'm in Cavite now. Dumalaw lang ako dito. Akala ko nasabi ni Syche sayo."
Hindi siya nagsalita, tunog na lang ng insekto sa gabi ang naririnig ko. Kasama niya rin kayang umuwi si Ate Stella? May kasama rin kaya siyang babae? Argh!
"Would you mind to go inside? Malamok na dito." Malamig na wika niya.
"O-Okay." Sabi ko, hindi ko pa rin binabalik ang mga tingin ko sa kanya.
Patakbo na 'ko nang makapasok sa bahay. Hindi ko na nga rin maayos na nabati si Mang Kanor, e. Mabilisan kong binuksan ang gate at laking gulat ko nang makita si Ate Stella at ang dalawa niyang anak!
Shit!
"Cadence!" Ani Ate Stella at tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa silya. They're having dinner? Bakit hindi nila sinama si Stan?
Napapitlag ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Ni hindi ako makaganti ng yakap sa kanya! Lumapit na rin sa amin sina Syche at Sevhire. They are look happy, kung sabagay, it's been 6 years. Ako na nga lang ata ang hindi pa nakaka move-on.
"Tita!" Ani Sevhire at humalik sa pisngi ko. "Kumain ka na?"
Umiling ako. Pero hindi naman ako nagugutom.
"Eat first." Ani Syche at tinuro ang mesa. Ang daming pagkain! Akala mo nga may fiesta, e.
"H-Hindi naman kasi ako gutom."
"That's not an excuse. You should eat." Singit ni Stan, nauna na siyang naglakad sa hapag at naupo.
Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Ate papuntang dining at iupo sa pinaka dulo, katapat ko siya at nasa magkabilang gilid ko naman sina Syche at Sevhire.
"I missed this!" Pinagsalikop ni Ate ang kanyang mga daliri. "Oh! How I missed the Philippines!"
Nagsimula na silang kumuha ng mga pagkain sa mesa, kung hindi pa nga ako bahagyang sinipa ni Sev sa ilalim ay hindi ako gagalaw. Hindi ako sanay! And shit, I'm not prepared!
Really, Cadence? At kailan ka magiging handa?
Natigil ako sa pagkuha ng pagkain nang biglang mag ring yung phone ko. Para naman akong isang suspek kung tignan nilang apat.
"Sagutin ko lang." I excused myself.
Pagkatingin ko kung sino ang caller ay biglang kumunot ang noo ko. Si Dan! Tumayo ako at medyo lumayo muna sakanila, naramdaman ko ang titig ni Stan sa akin.
"Dan!" I hissed. "Bakit ka tumawag?"
Matagal siya bago sumagot. "Bawal ba? Namiss kita agad, e."
![](https://img.wattpad.com/cover/40257065-288-k989460.jpg)
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...