TWENTY TWO
"Magandang hapon po, ma'am Cadence!"
Ngumiti lang ako sa kanila at nagsimula nang maglakad papuntang office ko. Thirty minutes na lang at tapos na ang trabaho! Makakapag pahinga na rin, sa wakas!
Maingat kong pinihit ang doorknob, hindi na ako nagulat nang makita ko siya. Lagi namang ganito sa tuwing kagagaling ko lang sa break, e. Makikita ko siya dito sa office ko na nakaupo sa couch at naka patong ang mga paa sa coffee table.
I locked the door then put my things on my table, sinadya ko talagang lakasan para magising siya.
"Fuck?" Kinuskos niya ang kanyang mata. Halatang naalimpungatan, e.
Umupo ako sa swivel chair. "Ano? Umaga na."
Naningkit ang kanyang mga mata, tapos ay biglang umiling at sinapo ang kanyang noo. "Puta naman, Cadence. Ngayon pa lang nakakapag pahinga, e."
"Aba? Kasalanan ko bang halos limang beses mong inano yung babaeng nakita lang natin sa bar?" Kinuha ko yung isang folder na naka patong sa mesa.
"Inano?" Alam kong inaasar na niya ako. "22 ka na ba talaga sa lagay na yan? Puta, hindi mo nga mabigkas bigkas yung tamang salita, e!"
Ibinalik ko ang tingin ko sa pesteng lalaki na nasa harapan ko ngayon. "Huwag mo akong hawaan ng kalaswaan mo, BI ka masyado. Go away!"
He just laughed at me. Tumayo na siya at inayos na ang uniporme niya, tinaas baba niya pa talaga ang kanyang kilay. Akala mo talaga gwapo, e.
"Dan." Tawag ko sa napaka ganda niyang pangalan.
Binuksan niya yung pinto pero sinarado niya rin nung tinawag ko siya. "O?"
"Umuwi ka ng maaga, mamaya ha? Wala akong kasama sa bahay." Paalala ko sa kanya.
Nitong mga nakaraang araw kasi late na siya laging umuuwi. Ayan tuloy, lagi akong mag-isa sa bahay. Wala akong makausap, feeling ko nga mababaliw na ako pag pinagpatuloy niya pa yan. Tinignan ko ulit siya, nakangisi nanaman. Laging ganyan yan, nagmumukha na ngang manyak.
"Ge, sabi mo, e." Aniya at binuksan ulit ang pinto pero hindi pa rin siya umaalis. "Ano oras uwi mo? Sunduin kita. Mas mauuna ako sa'yo, e."
I looked at my wall clock. "6:33pm."
Natawa naman siya. "Tang ina, may butal pa talaga, ha?"
"Umalis ka na nga! Binabasbasan mo ng mura 'tong office ko!" Pagtataboy ko.
Hindi pa siya nagpa-awat. Talagang nag mura pa bago sinarado ng malakas ang pintuan. Kinabahan nga ako dahil medyo nagalaw yung mga nakasabit na paintings sa pader!
Argh! Nakakainis talaga 'tong si Dan! Tumingin ulit ako sa orasan. Ang bagal talaga ng oras, pag sa umaga ang bilis bilis pero pagkagat ng hapon, dinaig pa yung usad ng pagong sa bagal.
"Ano ba kasi 'to?" Chineck ko ulit yung laman ng folder. Nangangailangan lang pala ng approval, e. Binasa ko yung mga nakasulat. "Ang gulo naman."
Sa sobrang sakit ng ulo ko ay sinubsob ko ang mukha ko sa mesa. Tatlong araw na 'kong nag over time dahil diyan kay Dan, tapos pag uwi ko, wala pa rin pala sa bahay.
Napatingin ako sa pintuan dahil biglang bumukas iyon, sina Aurora at Yel lang pala.
"Anong kailangan niyo?" Tamad na tanong ko. Nakasubsob pa rin ako sa mesa.
Umupo silang dalawa sa kaninang inuupuan ni Dan.
"Hindi ka namin nakita kaninang break. Akala ko nagpasabay ka na kay Danilo." Ani Yel. Minamassacre nanaman niya yung pangalan ni Dan.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...