THIRTY EIGHT
"Masamang pinaglalaruan ang pagkain."
Nag-angat ako ng tingin kay Aurora na masayang kinakain ang baon niya. Lunch kasi namin sa office ngayon, noong una nagulat ako kasi nandito sila ni Yel. Sabi nila, utos daw ng CEO na ilipat sila dito sa Quezon City.
I don't want to blame Stan but....
"What is your problem?" Pumangalumbaba si Aurora. "You're not eating your food. Lagi kang wala sa sarili, anong gusto mong sabihin ko kay Dan? Na nababaliw ka dito?"
I sighed. I don't know what's happening to me too. Parang nawalan ako ng lakas. Dalawang araw na ang lumipas matapos ko makausap si Manang Elita. Dalawang araw na rin akong hindi makausap ng matino ng mga kaibigan ko, including Stan.
He's really patient to me. Kapag natatarayan ko siya ay nananahimik na lang si Stan sa isang tabi. I want to say sorry pero nawalan talaga ako ng lakas.
"This is bullshit." I said out of nowhere. Hindi ako yung tipong nagmumura o nagsasabi ng masasamang salita, it's just that this is different. I'm losing my sanity, hindi ko na alam kung saan ako maghahanap ng impormasyon.
"You cussed. O. God." Ani Aurora at nanlaki ang mga mata. "This is new. Care to tell?"
Nalipat ang tingin ko sa paparating na sina Daile at Yel. Yes, dito na rin nagtatrabaho si Daile. Kinuha siya ni Mikael, hindi dahil alam niyang kaibigan ko si Daile. Totoo naman kasing magaling din yung kaibigan ko.
Inilapag nila ang hawak na tray sa mesa. "Anong meron?" Tanong ni Yel.
"Ask her!" Ani Aurora at itinuro pa ako.
Umusog ako ng konti dahil tumabi sa akin si Daile. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sana ay lagnatin na lang ako.
"Oh.. right." Nag hiwa si Yel ng manok. "What is happening?" Aniya bago tumingin sa akin.
Muli akong bumuntong hininga. Kung pwede lang sanang sabihan sila na manahimik na lang ay ginawa ko na. Sa tuwing naaalala ko ang tagpong nangyari sa Sta. Imelda ay hindi ko maiwasan na malungkot. Damn this!
"Stop asking her. Baka lalong ma stress si Cadence." Ani Daile habang kumakain ng tanghalian niya.
Sinilip ko sina Yel at Aurora na nagkatinginan pa. They don't like Daile because of her attitude. Ayaw rin naman sa kanila ni Daile. Nagkakasama nga lang ata ang tatlong ito dahil sa akin, e. Pinabayaan ko na lang sila at pinilit galawin ang pagkain ko. I need to eat. Parang mababaliw naman ako pag nasa bahay lang at nagkasakit.
Muli kong sinubukan na kumain ngunit parang tinutulak ng dila ko ang pagkain para mailuwa ko iyon. This is bad. Am I sick or what?
"Cadence, may sakit ka ba?" Napansin kong nakatingin na pala sa akin si Yel.
Umiling ako. "Wala lang gana."
"In two days? Really?" Nagtaas ng kilay si Aurora.
"Will you guys stop asking and just continue eating? Laking tsismosa, e no?" Ani Daile sa medyo mataas na boses.
Napahawak ako sa kamay niya, I don't want a catfight here. Hindi rin pwedeng mag-away sila dahil sa maliit na bagay. Isa pa, malaki din ang shares ng pamilya ni Aurora sa kompanya ni Kuya William. If they're going to fight at pag nalaman ng pamilya ni Aurora ay baka bigla silang mag pull out.
"Tumigil na kayo pwede? I'm okay. May iniisip lang kasi ako." Awat ko sa kanila.
Inalis ni Daile ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay at pinagpatuloy niya ang kanyang pag kain. Ganoon din yung dalawa, para naman akong tanga na nakamasid lang.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...