Chapter Twenty Five

22.4K 473 9
                                    

TWENTY FIVE

Hindi ako komportable. I don't want to be with him. I want space! Sa kanya lang! Hindi pupwedeng lagi akong ganito kapag kasama siya. Kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na dapat noon ko pa ginawa. Damn!

Pinagbuksan ako ni Stan ng pintuan, tahimik akong pumasok sa Montero Sport niya. Iba na 'to kumpara sa dati. Mas bago at mas maganda. Siguro mahal ang piyesa nito. Umikot si Stan at sumakay na rin sa driver's seat.

"Feel free to turn on the radio." Ani Stan habang inaatras ang sasakyan. Pinagbuksan kasi kami ng gate kanina ni Mang Kanor.

Ginawa ko na lang iyong sinabi niya, binuksan ko ang radyo at ang bumungad pa talagang kanta sa amin ay isang love song. Okay.. just... act normal, Cadence.

Mabagal kung magpatakbo si Stan, kulang na nga lang ay maihalintulad ko siya sa bagal ng isang pagong nasugatan. Sinasadya niya ba? Palihim ko siyang sinilip at diretsyo lang ang tingin niya sa daan. 

"Stan?" Tawag ko sa kanya. Bahagya niya akong sinilip. "Pwede? M-Mas bilisan mo?"

"You want me to make it faster?" Mapaglarong sabi niya at gumuhit ang isang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

Nanahimik ako bigla. Biglang lumamig yung mga kamay ko. Ito na ba ang resulta sa anim na buwan kong kasama si Dan? Nahaluan na ba ng kung ano ang isip ko?

Sinunod naman ako ni Stan, mas mabilis na niyang pinapaandar yung kotse pero nagtaka ako dahil bigla niya itong niliko. Sabagay, ang tagal na niya ring hindi nakapunta dito. Baka nakalimutan na niya yung tamang daan.

"A-Ano... mali kasi..." Hinigpitan ko yung pagkakahawak sa maliit kong bag. Paano ko ba sasabihin na mali siya ng daan?

Kumunot ang noo ko dahil pinark ni Stan yung sasakyan niya sa Syferath's web. Ang dilim! Ang tagal ko na ring hindi nakakapunta dito. Mas lalo siyang naging nakakatakot! Bakit kami nandito?

"Stan?" Nilingon ko siya. Pinatay niya ang makina ng sasakyan tapos ag bigla siyang lumabas.

Hindi na ako nakapag hintay. Lumabas na rin ako ng sasakyan. Nakatayo lang si Stan at nakahalukipkip. Parang ang lalim lalim ng iniisip niya.

"May jetlag ka pa ba?" Dinungaw ko siya. "Sige, magtataxi na lang ako."

Paalis na sana ako kaso natigil ako sa biglaan niyang pagsasalita.

"Don't." Baritonong wika ni Stan sa akin.

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Nakatalikod ako ngayon sa kanya, hanggang ngayon pa ba? Wala pa rin bang pinagbabago? Pagdilat ko ay ilaw na nanggagaling sa malalayong kabahayan ang agad kong naaninag.

"Ano ba ang ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Stan, hindi ko pa rin siya nililingon.

"When I was in Australia..." Ani Stan. Humataw ang puso kong kanina pa nagwawala. Makasama ko lang si Stan ay ang bilis na ng pintig nito. Bakit mas lalong bumilis ngayon?

"Stan." Banggit ko sa kanya.

"You know what?" Ani Stan. "Everyday, everynight and every fucking moment... I miss you."

Shit! Tumulo bigla ang luha ko, nanginginig na rin ang aking mga tuhod. What the hell? Bakit niya sinasabi ang mga yan? Hindi niya ba alam kung gaano katindi ang epekto niya sa akin? Kung paano niya nakokontrol ang puso ko?

"T-Talaga?" Damn! Hindi ko mai-ayos ang boses ko! "P-Pero nandyan naman y-yung Elise diba?"

Narinig ko ang paghakbang niya. Ang pag pulupot ng braso ni Stan sa akin ang huli kong naramdaman. Wala na, hindi ko na nahabol ang sarili ko. Hindi ko na alam kung ano ba ang tama o mali, natunaw ni Stan ang kakayahan kong mag-isip at tumanggi. It's all about him now. Siya na lang.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon