FORTY SEVEN
"Stan..." Bulong na banggit ko sa pangalan niya.
Tumayo ako nang hindi inaalis ang titig ko sa kanyang mga mata. He's here. Standing infront of me. Totoo ito diba? Or am I having an apparition? Ang lalaking nakatayo sa aking harapan ay si Stan Cohen Arrhenius...
Lumapit ako sa kanya at sa bawat hakbang ko ay para akong lumulutang. Nang nasa harap ko na si Stan ay inangat ko ang aking kamay para haplusin siya sa kanyang pisngi.
"What are you doing, princess?" Lalong kumalabog ang puso ko sa tinig niyang iyon.
Hinawakan ni Stan ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi. Ang panlalamig ng kamay ko ay naibsan dahil sa mainit niyang paghawak sa akin.
"S-Sorry.." I cried, sa sobrang hina ng boses ko ay hindi ko na iyon marinig! Tanging kalabog at hiyaw ng aking puso lang ang nangingibabaw sa akin!
"For what?" Dinala ni Stan ang aking kamay sa kanyang labi at hinalikan ang likod nito.
Gusto kong maiyak sa pangyayari! How come he's still sweet and gentle sa kabila ng sakit na pinaranas ko sa kanya?
"Sa.. lahat." Naiiyak na sabi ko.
Pinunasan ni Stan ang mga pesteng luhang lumalandas sa aking pisngi. Hindi ko makitaan ng kahit na anong bakas na pagkagalit ang kanyang mukha.
"You don't need to be sorry. I'm okay." Malambing na sinabi ni Stan. "Hindi ako galit."
Hindi ko na kinaya. Ako na mismo ang yumakap kay Stan at tinanggap naman niya iyon, lalong uminit ang pakiramdam ko dahil kinulong niya ako sa kanyang bisig. Parang may kung anong humaplos sa aking puso.
"Sorry. Hindi ko s-sinasadya.. Naguguluhan lang ako.. Sorry, Stan.." Paulit-ulit na sinabi ko habang umiiyak.
Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Sapat lang para makahinga ako ng mabuti. "Hush, Cadence. Wala kang kasalanan. I told you, I'm not mad."
"Pero nasaktan kita."
Dahil nakalimutan ko ang dahilan kung bakit ako lumalaban, masyado akong nabulag sa mga posibleng rason na pwedeng maging dahilan ng pagkasira niya. Hindi ko alam na naging handa na pala kami doon.
Kahit hindi sabihin sa akin ni Stan ay kitang kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. At naiinis ako dahil hindi ko alam kung paano ko maaalis ang sakit na iyon!
"I told you I'm just giving you space." Napapaos na wika ni Stan sa akin, nilagay niya ang ilang hibla kong buhok sa aking tainga. "Huwag ka ng umiyak, please?"
Lunod na lunod ako sa pagmamahal niya, pero ibang klase ito. Ayoko ng umahon pa, pakiramdam ko ako na ang pinaka masamang tao sa mundo dahil sinaktan ko ang lalaking walang ibang ginawa kungdi ang mahalin lang ako at sising sisi ako sa ginawa kong iyon.
"I'm sorry... talaga."
Paulit-ulit na hinalikan ni Stan ang aking noo at sa bawat halik na iyon ay nakakaramdam ako ng labis na pagmamahal.
"Shh. Don't cry, baby." Aniya, naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking ilong. "Don't cry."
Suminghot ako ng marahan at tumango. Ako na mismo ang nagpunas ng aking luha.
"Akala ko, hindi na kita maaabutan." Sabi ko.
"Where?" Kumunot ang noo ni Stan.
Ngumuso ako. "Diba pupunta kang Cebu? You'll be there for a week, right? Kayanga nagmadali ako papunta dito."
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ni Stan, pinilig niya ang kanyang ulo at pinaglaruan ang ibabang labi. Damn! That was so hot!
"No.." He said in a husky voice. "I'm not going to Cebu, princess."
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
Aktuelle Literatur"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...
