NINETEEN
Tinakpan ko agad yung mata ko dahil sa tumama na sinag ng araw sa akin. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga. Inilibot ko ang tingin ko, hindi 'to ang kwarto ko!
Hinanap ko agad si Stan, dito pala ako nakatulog sa kwarto niya. Pero nasaan na ba yun? Tumayo ako at lumabas na, bumungad agad sa akin si Sevhire na kumakain sa baba. Bumaba na rin ako.
"Si Stan?" Unang tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin habang umiinom ng tubig. "I don't know. May binili ata? Sa kwarto ka ba niya natulog kagabi?"
Shit! Napatigil ako sa pagbaba ko.
"I was knocking on your door last night. Hindi ka sumasagot so binuksan ko, wala ka dun so I guess kay Stan ka natulog?" Pinag taasan ako ni Sevhire ng kilay, parang may hinahalungkat siyang sagot sa akin.
Sinubukan kong gawing maayos ang boses ko. "Oo."
Hindi ko na dinugtungan iyon. Tinatanong niya lang naman ako, e. Hindi naman niya kailangan ng explanation. Umupo na ako sa mesa at kumuha ng dalawang sandwich.
"Mamayang 12pm pupunta ka sa hotel na tinutuluyan ni mom." Ani Sevhire. "Alam ni Nong Roger yun, he'll drive you there."
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita, binilisan ko na ang kain at umakyat ako sa kwarto ko para maligo. Late na kaya ako nagising. 10:30 na rin.
Naka bihis na ako't lahat lahat wala pa rin si Stan, pati si Syche wala pa rin. Si Sevhire naman umalis din, hindi ko nga alam kung bakit sila busy ngayon, e. Hindi naman kasi sila nagsasabi.
"Magandang umaga po, senyorita." Yumuko sa akin si Nong Roger.
"Good morning din po. Alam niyo daw yung hotel?" Tanong ko.
"Opo." Pinagbuksan ako ni Nong Roger ng pinto kaya pumasok ako, umikot naman siya para pumasok na rin at umupo sa driver's seat.
Naging tahimik yung biyahe namin, grabe naman. Hindi ko alam na aabot pala na halos isang oras ang tinutuluyan ni Ate, akala ko nga malapit lang sa Quezon City yung tinutuluyan niya, hindi pala.
Ibinaba ako ni Nong Roger sa Saipan's Five Star Hotel. Napanganga ako, isa rin to sa mga hotel namin, e! Ngayon pa lang ako naka punta dito. Ang ganda!
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Halatang mayayaman ang naka check in dito.
Pumunta agad ako sa sinabing room number nung babae, huminga muna ako ng malalim. Makakaharap ko na ulit si Ate. Pero bakit kinakabahan ako? Kasi may tinatago ako sa kanya? Kasi may nararamdaman na ako sa anak niya?
Bago pa ako makakatok ay bumukas na yung pinto, naka pang gym si Ate, siguro mag wowork-out siya. Halatang nagulat siya nang makita niya ako.
"Oh, Cadence!" Hinila niya ako bigla at niyakap. Bagong ligo si Ate.
"Ate, namiss kita." Gumanti ako ng yakap sa kanya.
Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Ako rin, nako. Gustong gusto ko bumisita sa bahay ko pero hindi ako makabisita dahil may mga bwisit sa bahay ko." Binigyang diin niya pa talaga yung 'ko'.
Napatawa ako. Kahit kailan talaga 'tong si Ate.
"I thought you're not coming. Kaya naisipan ko na lang na mag gym. Baka na brain wash ka na kasi ng mga pamangkin mo."
Pumasok na ako sa loob, nadinig ko yung pagsara ng pintuan, naupo agad ako sa malambot na kama.
"Na-late lang kasi ako ng gising." Sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...