"Pakilagay nalang po sa labas, Manang Luella. Salamat po."
Inayos ko ang dala kong maleta at saka pagod na umupo sa kama. Ipinikit ko ng marahan ang aking mga mata at saka dinamdam ang hangin na pumapasok sa nakabukas na bintana ng aking kwarto.
It's been six months. Anim na buwan na walang kasiguraduhan sa kung ano man ang mangyayari. Akala ko gigising ako na kasama na ang tunay kong Ina, ngunit hindi. Mapalad akong nakaligtas sa kamatayan.
Elise is in coma right now, sabi ni Trav nagbaril din siya sa kanyang sarili matapos dumating ang mga pulis while Dread is nowhere to be found. Akala ko sa araw ng paggising ko, si Stan ang una kong makikita, I was wrong.
Hindi ko alam kung anong nangyari paglipas ng limang araw akong walang malay sa hospital. Umaasa pa rin akong makikita ko siya, but no. He didn't text me nor call. Wala akong natanggap ni isa. Even from Syche and Sevhire. Kahit na anim na buwan na ang lumipas ay umaasa pa rin ako.
Kung makikita ko man siya ngayon? I will seriously slap him straight! Anong karapatan niyang iwan ako kung kailan kailangan ko siya? Kahit tanungin ko sina Karl at Traveon ay wala silang mga sagot sa akin!
Nang tumawag si Ate Stella, akala ko makakausap ko na ulit si Stan. Pero hindi, kahit siya ay hindi makasagot sa mga tanong ko.
Hindi ko maiwasang maguluhan. Ano ba talagang nangyari? Akala ko ba, ipaglalaban namin 'to. Natakot ba siya? Bakit naman? Kay Karl? No. Imposible. Pero baka binantaan naman ng mga kapatid ko si Stan?
"Damn!" I cursed. Napaka imposible din. Si Stan? Matatakot sa mga kapatid ko?
Wala akong ginawa sa buong anim na buwan kundi ang maghintay. Gusto kong maghintay kahit na unting-unti na akong nawawalan ng pag-asa. I hate you, Stan! I hate you so much! But I love you too.. Shit! I don't know! Gusto ko lang naman ay makita siya at makausap. Gusto kong tanungin kung ano na ang nangyari sa amin o kung meron pa bang kami!
I hate it! I hate that I am this clueless!
Hindi ko lubos na maisip na susuko siya agad. After all? Ganito lang kadili? That's really ridiculous! Walang ibang umalalay sa akin noon kundi ang mga kapatid ko at sina Daile, pati si Dan ay dumadalaw dalaw sa akin.
Ngayon, dito ko susubukin ang tadhana. Kung pagtatagpuin niyo ulit kami ni Stan ay sana maliwanagan na ako sa lahat. Dahil ang hirap umalis na may bigat sa aking puso.
Ang hirap umalis na hindi man lang siya nakikita.
"Hijah.."
Napaigtad ako nang buksan ni Manang Luella ang pinto. Akala ko nasa labas na yung iba kong bagahe?
"Aalis na daw kayo, Cadence." Aniya.
Awtomatiko ang pagbagsak ng balikat ko. Hindi ba talaga siya dadating? Matipid akong ngumiti sa matanda at tumayo, sinara ko ang bintana at lumabas na ng kwarto.
Hirap ang mga paa kong humakbang. Parang ang bigat din ng mga iyon! Lalo na nung natanaw ko sa labas ang dalawa kong kapatid.
"Pwede bang hintayin muna natin sina Daile?" Tanong ko kay Trav. Kinuha niya sa lalaki ang maleta ko at nilagay sa sasakyan ni Karl.
"What for? Malelate na tayo sa flight." My brother said. Kumunot ang noo ko sa klase ng suot nila ngayon. May dadaluhan pa ba sila?
"Teka." Luminga ako, "where's Justine?"
"Nauna na siya sa airport." Si Karl ang sumagot sa akin. "So we need to hurry."
How about Stan? "Do we really have to do this?"
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...