Chapter Fifty

37.5K 551 42
                                        

FIFTY (Maraming salamat po!)
-

Maaga akong nagising dahil sa pag-aakala na papayagan ako ni Karl na pumasok sa trabaho, medyo nagtalo pa kaming dalawa pero wala naman akong magawa. It's for my safety naman daw kaya hindi niya ako pinayagan. Kahit nga pagbukas ng TV para manuod ng balita ay bawal pa rin.

Hindi ko naman siya masisisi doon, ang sakin lang ay tanggap ko na ang sasabihin sa akin ng mga tao. They only know what happened but not the real story. Pero kung huhusgahan pa rin kami sa kabila ng katotohanan ay wala na akong magagawa doon. You can't please everybody.

Kaya nandito ako sa labas at nakaupo sa damuhan para magpahangin, everything seems normal. Parang walang poproblemahin. Parang walang iisipin.

Noong mga bata pa lang kami ni Stan ay pinagtabuyan ko na siya para mawala kung ano mang maling ginagawa naming dalawa at ngayong bumalik siya ay nagtataka ako kung bakit ang apoy na minsan ko ng pinatay ay nananatiling nandiyan at mas tumindi pa.

Hindi ko alam kung hanggang kailan kami lalaban o kung matatapos ba ang laban namin na 'to. This is only our begginning. Wala pa kami sa kalahati. Ito pa lang ang simula ng pagsubok na binibigay sa amin.

"Cadence."

Nahinto ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Karl. Nilingon ko siya, he's standing with his hands inside his pocket. Ngumiti ako sa kanya at nginuso ang tabi ko.

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi bago pumunta sa tabi ko at umupo, naka-angat ang kanyang tuhod at nakapatong doon ang kanyang braso.

Tahimik lang si Karl sa gilid ko, kinuha ko ang tiyansa na nakatingin siya sa kalangitan. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Ngayon ko lang napansin na medyo magkamukha pala kami. It's just that he's mysterious. Pinaka gusto ko sa kanya ay ang perpektong hubog ng kanyang panga, malaki din ang pangangatawan niyang tama lang sa kanyang tangkad.

"You're looking at me." Ngisi ni Karl at pinindot ang ilong ko. "Incest yan, Cadence."

"What?" Nagulat ako! "Ang kapal, ha?"

I heard him chuckled. Mas lalo palang gumagwapo si Karl kapag tumatawa. Hindi yung laging mainit ang ulo niya.

"I'm sorry if I was too rude to you. I just couldn't believe that you're real. 22 years ain't a good joke." Simula ni Karl,

Shit! Nag oopen-up siya!

Sinubukan kong i-focus ang aking tingin sa mga dahon na hinahangin.

"Alam ko... and I understand."

Totoo iyon, naiintindihan ko naman kung bakit siya naging ganoon sa akin. He's not that mean, hindi lang siya siguro sanay na ang akala niya na patay na nilang kapatid ay nandito at buhay na buhay. I couldn't blame Ate Stella, all along she thought that my mom died because of the fire, kaya nga hindi niya ako binigay sa mga Monteverde.

Binaba ni Karl ang tuhod niya at tinungkod ang magkabilang siko sa damuhan para bahagya siyang nakahiga.

"Still, I am sorry. I just don't know how to express my feelings. I'm sorry." Dagdag pa ni Karl.

Ngumiti ako, naisipan kong humiga sa tiyan niya kaya iyon ang ginawa ko. Naramdaman ko ang paninigas ng kanyang katawan dahil sa pagkagulat. Damn! I can almost feel his abs!

"Wha-What are you doing?" Nagtataka na tanong niya at bumaba ang tingin sa akin.

Pilya akong ngumiti at tumagilid ng higa. "Why don't you want me to call you, Kuya? Eh, si Justine nga at Trav 'yon ang tawag sayo."

"I'm not used to it." Simpleng sagot niya lang sa akin.

Ngumuso ako at tumango. Mas nasanay kasi siya na si Justine lang ang tumatawag sa kanya nun. Umalis na ako sa pagkakahilig sa kanyang tiyan at inayos ang aking buhok.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon