SIX
Gabi na at nagsimula na rin ang party ni Ate. Nandito lang ako sa labas ng bahay at paminsan minsan ay nakikipag batian sa mga kaibigan ni Ate. Hindi ko kasi maintindihan yung sinasabi niya sa loob, e. Puro business nanaman. Paparating na rin si Daile dahil business partner ni Ate ang Tatay ng bestfriend ko. Yung tatlong itlog naman ay hindi ko pa mahanap, kanina kasi umalis pa si Sevhire. Sina Syche at Stan naman ay hindi pa umuuwi mula kanina.
May pinagbuksan ng gate si Mang Kanor, nakita ko na agad ang maganda kong bestfriend kasama ang magulang nito.
"Maria Dalia Asahi!" Sigaw ko sa buong pangalan niya.
Halatang nainis siya sa ginawa ko pero 'nong mapagtanto niya kung sino ang sumigaw ay binigyan niya lang ako ng matalim na titig tapos ay lumapit siya sa akin.
"Bwisit ka, Cadence Calliope! Huwag mo ngang ipagsigawan ang apelyido kong mukhang electric fan!" Asik niya sa akin.
Tumawa lang ako.
"Where's Syche?" Tanong niya at tumingin sa paligid ligid.
"Syche? Yung panganay naman ang trip mo?" Halos hindi makapaniwalang sabi ko.
Daile giggled tapos ay inakbayan ako. Ang ganda ganda niya ngayon, maganda na nga siya pag hindi siya naka-ayos, mas gumanda pa siya dahil sa suot niyang itim na dress na nagpatingkad sa kulay niya.
Naiinggit nanaman ako! Feeling ko ang pangit pangit ko sa Royal Blue na dress na suot ko ngayon!
"Huwag tayo pumasok sa loob ng bahay niyo! Puro gurang lang ang makikita natin diyan!" Hinila niya ako pabalik nang mapansing papasok na ako sa bahay.
Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Malamok dito! Hindi naman tayo sa pinaka harap uupo, e. Sa likod lang!"
"Marami bang pogi diyan?" Ngumisi siya.
"Uh, Theo and his cousins?" Patanong na sabi ko.
With a nanosecond ay napansin ko nalang na nakapasok na pala kaming dalawa at nakaupo sa table ni Theo kasama ang mga pinsan niya. Tulad kasi ni Daile ay imbitado rin ang mga magulang nito.
"Chics mga pare!" Tinapik ni Patrick, ang balikat ni Theo.
Nagtawanan naman yung dalawa pa na sina Mac at Nick. Parehas silang tatlo na drop dead gorgeous pero mas drop double dead gorgeous naman ang mga pamangkin ko!
Sina Patrick kasi kung titignan mo ay parang mga bad boys pero sumusunod naman sila sa mga magulang nila. While my nephews? They have their own rules! Masasabi ko ngang swerte rin ako dahil minsan ay sinusunod nila ang kung ano rin ang sabihin ko.
"Manahimik nga kayo!" Saway ni Theo sa mga pinsan niya. "Cadence, come here."
"Uyyy! Hindi na siya torpe." Kantyaw ni Mac at nag apir sila ni Nick.
Naramdaman ko naman na sinipa ni Daile ang upuan ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Upo daw sa tabi niya!" Paulit ulit niyang nginuso ang upuang bakante sa tabi ni Theo.
Eh?
Pagtingin ko kay Theo ay namumula siya. I find him cute! Minsan na lang kasi yung mga lalaking nagbablush, e. Tumayo na ako sa tabi ni Daile at umupo sa tabi ni Theo, si Patrick naman na katabi ni Theo kanina ay pumalit sa pwesto ko. Bale kaming dalawa nalang tuloy ang magkatabi.
"Perfect couple! Nasa ligawan stage na ba kayo?" Pumangalumbaba si Daile sa mesa habang tinitignan kaming dalawa.
Ako naman ang namula. Ano ka ba naman Daile! Kahit kailan ka talaga!
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...