Chapter Thirty Three

23.4K 481 20
                                    

THIRTY THREE

Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nagsabi kasi sa akin si Sevhire na pupunta daw lahat sa Golf park, hindi ko alam kung saan iyon. Natatandaan ko noon na minsan ay nag gogolf din sina Stan pero hindi naman ako sumasama. Wala naman kasi akong gagawin dun.

Sa kotse ako ni Stan sumakay. Sa Ranger naman ni Sevhire yung mga pinsan nila, hindi ko nga alam kung nasaan si Syche. He's too busy these past few days. Parang ang dami niyang pinagkakaabalahan.

"You okay?" Tanong ni Stan sa akin, nakatingin siya sa daan.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" Sagot ko at sumubo ng fries na binili namin malapit sa drive thru kanina.

"I'm hungry, subuan mo naman ako." Ani Stan at tila nagpa-awa pa.

Inabot ko sa kanya yung limang fries at pilit na sinubo iyon sa kanya. Natatawa naman niyang kinain iyon.

"Pinapatay mo ko." Ani Stan, tignan mo 'to. May laman pa nga yung bibig nagsasalita na.

Mula kagabi ay makulit siya. Panay text niya sa akin, tinawagan pa nga ako. Akala mo nasa ibang bahay kami e. Naalimpungatan nga ako dahil nakarinig ako ng katok sa pintuan. Siya lang pala, dala dala niya yung unan niya at naka pajama siya. Ayun, doon siya sa kwarto ko natulog.

"Arte mo." Sagot ko sa kanya.

I heard him laughed. "Okay lang. Matagal na pala akong patay na patay sayo."

Pinabayaan ko na lang yung mga banat niya sa akin. Kanina nga, siya yung gumawa ng almusal ko. At talagang almusal ko lang talaga, hinayaan niyang si Sevhire gumawa ng sarili niya. Kunwari nga ay nagtampo pa.

"We're here." Ani Stan at tinanggal ang seat belt niya.

Lalabas na sana ako ng sasakyan kaso ay hinawakan niya ang braso ko. Pagharap ko nga nagulat ako dahil may sinuot siyang sumbrero sa akin.

"My cap. Don't remove that. I'm marking you." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Paano naman nila malalaman na sayo 'to?" Asar ko sa kanya.

Ngumiti lang siya. "Take a look." At lumabas na siya ng sasakyan.

Sa pagiging curious ko ay hinubad ko muna yung cap niya at tinignan iyon. Napangiti na lang ako dahil sa nakasulat.

Stan's.

"Kahit kailan talaga." Bulong ko sa sarili. Pinagbuksan ako ni Stan ng pinto, sinuot ko ulit yung sumbrero niya at lumabas na ng sasakyan.

Paglabas ko nga ay nandoon na ang pulang Ranger ni Sevhire. Kanina lang ay kami ang nauuna ni Stan, huminto pa kasi siya para mabilan ako ng pagkain, e.

"Tita!" Kaway sa amin ni Sev.

Lumakad kami ni Stan papunta sa direksyon nila, hindi ko alam na may dala palang payong si Stan. Saka na lang noong pinayungan niya ako, nakasumbrero na nga may payong pa. Baka pagtawanan na ako nito.

"Over protective." Sa unang pagkakataon ay narinig ko ang boses ni Mikael.

Lahat sila ay naka polo shirt. May kanya kanya rin silang bitbit na mga bag. Samantalang ako naman ay naka shorts lang at simpleng itim na shirt.

"Nice cap you got there." Nakangising komento ni Sevhire at tumingin sa malayo. "Let's start?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko at muntik na akong dumampot ng golf club para pang hampas sa kanya. Napansin ko ang pagtitig ng apat sa akin. Shit! Humigpit ang hawak ko sa aking phone.

"So? Ano na?" Stan interrupted para malipat ang atensyon nila.

"Man, let's do this." Tumingin si Lorcan sa akin at ngumisi pa, kabado naman ako sa magiging reaksyon ni Stan.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon