THIRTY FOUR
Nauna kaming dalawa ni Stan na umalis. Sabi kasi ni Sev, nagyaya daw yung mga pinsan nila na kumain sa Tokyo Tokyo doon sa Trinoma, niyaya nga nila kami ni Stan pero tumanggi na ako. Bukod sa nakaka-ilang na tingin ni Lorcan ay baka ma out of place lang ako doon.
"Sabi ko kasi sayo, sumama ka na sa kanila." Tignan mo parang na bobored na.
Nandito kami ngayon sa Syferath's park. I'm still wearing his cap. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Ngumiti ako at sinalubong ang paparating na simoy ng hangin.
"Don't want to." Parang bata naman na sagot ni Stan. "Kumain ka na ba?"
Tumayo ako sa inuupuan naming damo at tumakbo papunta sa Montero Sport niya, kinuha ko sa loob yung Isaw at kanin na binili ko kanina habang nag gogolf sila.
"What's that?" Tanong ni Stan habang papalapit ako sa kanya.
Umupo ako at ibinigay sa kanya yung kanin at Isaw. "Masarap yan." Ngiti ko.
Tinignan naman niya iyon ng mabuti, akala ko nga tatanggi siya dahil hindi naman pala kain si Stan ng mga ganitong pagkain pero nagulat ako nang buksan niya yung styro foam at ipinatong iyon sa hita niya.
"Let's eat?" Anyaya ni Stan na kinalaglag ng panga ko. "Cads?"
Pinang walang bahala ko na lang iyon at binuksan na rin iyong akin. Wala talaga siyang arte sa katawan. Tahimik kaming kumakain ni Stan ng Isaw at kanin, ang sarap! Unang beses na kumain ako nito noong first year college ako.
Wala kasi akong makain noon dahil may sakit si Manang Hilda, kaya ang ginawa ko bumili ako ng Isaw at paa ng Manok sa tapat ng University. Masarap naman siya pero hindi ko inaaraw-araw. Sabi kasi ni Daile nakaka Hepa daw.
"Anong lasa?" Tanong ko kay Stan habang nakita siyang pabalik dahil bumili siya ng tubig kanina.
Inabot niya sa akin yung isang bote ng tubig. "Masarap."
"Talaga?" Sabi ko pagkatapos uminom. "Nag text na ba si Sev sayo? Nakauwi na ba sila?"
Agad na umiling si Stan. "Jasper's enjoying the Filipino dish."
Kumunot ang noo ko. "Nasa Tokyo-Tokyo sila diba?"
"Except Jasper." Ani Stan at inubos ang natitirang tubig niya.
Jasper pala ang pangalan nung pinaka maputi sa kanila? He's not intimidating dahil hindi naman siya pala tingin sa mga tao, ang napansin ko lang sa kanya ay yung pagiging maputi niya at ang kanyang dimple sa kaliwang pisngi na minsan ay sumi-silip.
Mikael, Oliver, Lorcan and Jasper, huh? Sila pala yung mga pinsan ng pamangkin ko.
"Sino sino ba mga magkakapatid sa mga pinsan mo?" I asked.
"Mikael, Jasper and Lorcan." Sagot ni Stan.
Tumango ako. "Walang kapatid yung Oliver?"Umiling siya. "Stop asking about them." Ani Stan.
Ngumuso ako. "Masama ba? I'm just asking."
"I'm getting jealous." Aniya at nag-iwas ng tingin.
Hindi ko na mapigilan ang ngiti ko. Kailangan mabawasan na niya ang pagiging seloso niya dahil alam naman niyang siya lang talaga. Sumagi sa isip ko yung sinabi ni Mikael tungkol kay Lorcan.
Shit! Sana hindi malaman ni Stan.
"Cadence, ang tahimik mo nanaman." Puna sa akin ni Stan at hinawi sa likod ang buhok ko.
Tinignan ko siya ng mabuti. "Kamusta si Elise?"
Kahit wala naman akong nakikita ay nagseselos ako. I don't know why! Siguro kasi alam kong balang araw ay ikakasal si Stan at magkakaroon ng pamilya pero hindi naman sa akin. Baka nga si Elise. I hate this! I hate that I'm so insecure!
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...