Chapter Three

49.9K 814 34
                                    

A/N : Dedicated kay ate J kasi dahil sa kanya kaya nahilig sa ako sa pag search ng skateboard. Balak ko sanang tanggalin yung Skateboard scene dito kaso nang dahil sa UT kaya ayun nilagay ko hehe. Nagpabili pa nga ko kay mama kaso ay binigwasan ako HAHAHAHA. Hi ate J







THREE





Matagal ko ng gusto si Theo Reed Ong Montemayor. Oo, full name para cute. Paano ko nga ba ulit siya napansin? Yung grade six kami at lagi niya akong pinapakopya ng mga homeworks o yung grade five kami at lagi kaming naglalaro ng bato bato pik? Simula noon, kahit simpleng kilos lang ni Theo ay maganda na sa mga mata ko. Well, ganun naman ata talaga pag in love diba? Kahit mangulangot man yung crush mo sa harapan mo ang pogi pogi paring tignan pero pag ibang tao na nakakadiri, dugyot, walang manners. Lahat na!

"Team A up! Team B dock!" Sigaw ni Sierra. Ang Emcee dito sa Syferath's park.

Nandito ako ngayon sa Syferath park cause it's Syferath's day. Actually, hindi ko alam sa lolo ko kung bakit ginawang November 2 ang mahalagang araw ng Syferath. Naka katol ata siya nun or naka singhot ng medyas.

"Cadence. We're going to Board ground, you wanna come?" Anyaya sa akin ni Sevhire. Board Ground ang tawag sa Skate Park.

Umiling ako. I don't know how to skate, magmumukha lang akong tanga dun.

Sa wakas ay hinayaan na rin ako ng tatlo na maglibot dito. Pagmamay-ari namin ang subdivision kung saan kami nakatira. Ang lawak nga ng lupain doon, sa sobrang lawak nagkaroon na ng park. At iyon ang Syferath Park, where my grandfather met my beautiful grandmother. Eventhough I didn't get a chance to see them, sa picture pa lang alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa.

At doon ako naniwala sa forever.

Naupo nalang ako sa isa sa mga bench dito sa may ilalim ng puno. Tuwing Syferath's day kasi, lahat ng mga nakatira sa subdivison ay kailangan pumunta sa park. Of course you can bring your whole family! Kayanga yung other term nito ay para naring family day.

Malayo pa lang ay natanaw ko na ang grupo ng Skaters Diva. Ah! I forgot to tell you. Tuwing Syferath's day din kasi nagkakaroon ng contest. Tulad niyan. Yung mga marunong mag skateboard. At ang mga pamangkin ko ang laging nananalo. Not that they are the great grandsons of my lolo, may talent talaga sila sa pag skate.

Dumaan sa harapan ko si Jessa. As far as I know she's the leader of the group. She looked at me from head to toe, I raised a single brow. Problema nito?

"Cadence? Bakit nandito ka? Nasaan na yung mga demigod mong pamangkin?" Aniya sa isang plastik na pananalita.

Schoolmate ko din yang si Jessa. Magkaparehas nga kami na grade 9 pero iba naman yung section namin. And we're not close! Ewan ko nga kung bakit nakikipag-usap ito sa akin ngayon, e.

Probably because of my nephews. Ganun naman talaga minsan yung ibang babae. Nakikipag close lang sa akin to gather informations. Laging ganun, dahil lang kina Stan. Kayanga pili lang talaga yung mga tao dun na tinatawag kong kaibigan talaga. At isa dun si Daile, kayanga bestfriend ko siya, e. Kahit na malandi yun, alam kong totoo siya sa akin.

I faked a smile. "Nasa board ground, nagprapractice ata." Puntahan mo na at lumayo ka sa harapan ko.

"Talaga? Sasali nanaman sila sa competition?" Hindi makapaniwalang saad ni Jessa.

May sumulpot na babae mula sa likuran niya. Colene ang pangalan nun, well, iyon ang pagkakatanda ko. Inakbayan niya si Jessa at nginitian niya ako.

Another plastic alert!

"Siguro, sila nanaman yung mananalo. Itutuloy pa ba natin 'to Jess? Alam mo naman sina Syche, Sevhire at Stan." Kibit balikat ni Colene.

Tumango tango naman si Jessa. "Oo naman no! Halos lahat na ata ng mga stunts sa skateboard alam na nila."

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon