Chapter Forty Six

19K 400 36
                                    

FORTY SIX

Kinaumagahan ay sobrang bigat ng talukap ng aking mga mata. Mas mainit ang pakiramdam kaysa noon, buong gabi ata ako umiyak at gising dahil kay Stan na ayaw umalis at nakasandal sa pintuan.

"Nandyan ba siya?" Bungad na tanong ko kay Traveon na tahimik na sumisimsim ng kape.

"Wala." Sagot ni Trav.

Parang may kung anong lumubog sa akin nang malaman ko iyon.

"Pero kanina, oo. Pinaalis lang ni Kuya." Dagdag ni Traveon.

Baliw na siguro ang puso ko dahil bigla itong tumalon sa aking dibdib. Ang malaman na nagpalipas siya ng gabi sa harap ng mansyon ay sadyang nakakalungkot sakin ngunit hindi ko alam ang kinasaya ko nang malaman na hinintay talaga ako ni Stan.

Am I crazy or what?

Tumango ako at lalagpasan na sana si Trav ng...

"Could you please tell me what happened?" Tanong niya, mariin siyang nakatingin sa akin.

Bumuntong hininga ako. "Trav, alam kong hindi mo rin maiintindihan."

"How did you know, madame?" Nagulat ako sa tinawag ni Traveon sa akin kaya tuluyan akong napatingin sa kanya. "Paano mo nalaman eh hindi mo pa nga sinasabi?"

"Dahil alam ko." Iyon na ata ang pinaka walang kwentang sagot na sinabi ko.

"Cadence.." Nakita ko sa gilid ng aking mata ang kanyang pagtayo. "Care. To. Tell?" Dahan dahang bigkas ni Traveon.

Ang kulit niya! Iritado ko siyang tinignan. "Because I don't want to destroy him."

"You already did." Gumuhit ang tipid na ngiti ni Traveon na lalong kinainis ko.

What's the matter with him?! Padabog akong umalis sa sala at pumunta sa labas. Tumungo agad ako sa malaking swing malapit sa puno ng mangga.

Ang dami dami kong iniisip ngayon. Hindi ko na alam ang tama sa mali o sino ang mas paniniwalaan ko, bakit ang pakiramdam ko ang laking katangahan ng pakikipaghiwalay ko kay Stan? Bakit pakiramdam ko sa kabila ng mga rason ko sa pakikipaghiwalay sa kanya ay puro mga baluktot ang mga yon? Bakit pakiramdam ko kahit ako yung nang-iwan ay ako iyong  mas nasasaktan?

"Dammit!" I muttered at sinapo ang aking mukha. "Dammit! Dammit! Dammit!"

Kahit saang anggulo ko tignan ay alam kong talo pa rin ako. Una pa lang, talo na ako. I gave up the only man who is willing to sacrifice everything just for me. Ang laking tanga mo, Cadence!

Ngayon, hindi ko alam kung kailan kami magkikita ni Stan o magkikita pa ba kami.

"Ma'am Cadence." Nilingon ko ang babaeng tumawag sa akin.

Umayos ako ng upo. "Bakit?"

"May naghahanap po sa inyo sa labas.." Aniya.

"Sino daw?" Napatayo na ako.

"Kaibigan niyo po. Daile ang pangalan."

Bakit parang nabigo ako sa aking narinig? But... Wait? Si Daile?! Bakit naman siya pupunta dito?

Sumama ako sa katulong papunta sa gate, doon ko nasilip ang aking kaibigan. She's wearing a red dress at nakatali din ang kanyang buhok.

"Cadence!" Ngumiti agad siya tapos ay kumaway. "Papasukin mo na ako, shet!"

Kahit kailan talaga. Inayos ko muna ang aking sarili bago tuluyang pumunta sa gate. Sinalubong agad ako ng yakap ni Daile. Ang ganda niya talaga.

"Long time no see!" Bumeso kami sa isa't isa.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon