Chapter Forty Two

20.2K 444 34
                                        

FORTY TWO

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa araw na iyon. Sa dami nang mga nangyari ay nagpasalamat ako sa Diyos dahil kinaya ko lahat. Kinabukasan, nagising ako bigla dahil sa ingay. Ginawa ko muna ang mga ritwal ko tuwing umaga bago lumabas ng kwarto.

"Good Morning, princess." Nabungaran ko agad si Stan na magulong-magulo ang buhok at mukhang kagigising niya lang din. Ano ba yan, halatang hindi pa nagtotoothbrush ang isang 'to pero ang bango pa rin ng hininga.

Ngumiti ako sa kanya. "Kumain ka na?"

"Hinihintay kita. Let's eat?" Ngumisi si Stan at hinawakan ang kamay ko.

Gusto ko siyang pagalitan sa ginagawa niya. Ang aga aga tapos ginaganito niya ang puso kong humahataw nanaman sa bilis.

Naabutan namin ni Stan sina Syche at Sevhire sa hapag. Si Sevhire ay abala sa kanyang cellphone habang nagbabasa naman ng dyaryo si Syche. Bigla akong napatigil. What if we're on the news already? Baka pinagsabi na ni Sir Alcaecer sa media ang lahat?

"Cadence, Stan." Ani Syche. Kumuha siya ng tinidor malapit sa kanya at tinusok ang donut, nilahad niya ito sa akin.

"Good morning." Kinuha ko yung donut bago binati yung dalawa. "Kain ka na, Stan."

"A coffee will do." Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko.

Bigla akong nailang. Alam ko kasi na nakamasid sa akin ang dalawa at hindi ako sanay na makita nila kaming dalawa ni Stan na ganoon.

"Uh.." Kumagat ako sa donut. "Kumain na kayo?"

"Yes, tita.." Ani Sevhire na biglang natigilan sa sinabi.

Miski ako ay natigilan din.

"Still can't believe that you and Stan... you know? Ugh! Tapos ako lang pala ang hindi nakakaalam?" Tinupi ni Syche ang dyaryo at nilapag ito sa hita niya.

Yumuko ako. "Sorry, Syche... hindi ko naman kasi--"

"No Cadence, it's not what you think. Yes I'm a bit mad because for me you're still our auntie... pero kung mahal niyo ang isa't isa diba?" Kibit balikat ni Syche.

Ngumiti ako sa kanya. Nilapitan ko siya at niyakap, gumanti naman si Syche ng yakap sa akin.

"Syche. Salamat." Bulong ko sa kanya.

Noon pa man matagal na talaga akong malapit sa kanilang tatlo, sila yung sandalan ko kapag may problema ako at sila rin minsan yung pinoproblema ko. Pero iyon ay sa tuwing nambababae lang silang tatlo.

"What's with the hug?" I heard Stan's voice. Kababalik niya lang dala dala ang kapeng tinimpla niya.

Kumalas ako sa yakap kay Syche at inayos ang aking mukha.

"Fuck!"

Sabay kaming napatingin kay Sevhire. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa screen ng kanyang hawak na phone. Halatang gulat na gulat!

"Ahh! You know what, bro? Matagal ko na ring gusto si Cadence." Naagaw ni Syche ang atensyon ko nang nakangisi niyang inabot ang aking kamay. "So knowing that she's not our auntie was a good news to me."

Nanlaki ang mata ko, binaling ko ang tingin kay Stan na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Manahimik ka Syche. Baka makalimutan kong Kuya kita." Inilapag ni Stan ang hawak nitong basong kape at inagaw ako sa kanyang kapatid. "Gago."

Humalakhak si Syche. "Seloso ang puta, lumayas ka nga dito. Tanginang 'to."

"Just fuck yourself, man." Ani Stan at hinila ako paalis doon. "And please huwag mo naman iparinig sa girlfriend ko yang pagkadumi ng bunganga mo."

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon