Chapter Seventeen

24.7K 642 46
                                    

SEVENTEEN

Kumalas ako sa pagkakayakap sa akin ni Stan. Marahan kong pinunasan ang pisngi ko, nakatingin lang siya sa akin. Nakakahiya naman, basang basa yung mukha ko. Bakit ba kasi ako umiyak?

"Why are you crying? Nasaktan ba kita?" Lumapit pa talaga si Stan sa akin.

Umatras ako at tumingin na ulit sa kanya, hindi ko alam kung ako lang ba o talagang gwapo lang ang pamangkin ko. Nakakunot ang noo niya na parang nalilito, yung t shirt naman niyang itim ay bumagay sa kulay ng kanyang balat.

Himala, wala siyang suot na hikaw.

"Hindi ka ba talaga sasama kay ate?" Nabasag ang boses ko, napansin niya iyon.

"Hindi." Pinaglaruan ni Stan ang buhok ko bago inilagay ang ilang takas na hibla sa aking tainga. "Gusto mo ba?"

Umiling ako. Ayoko, pakiramdam ko hindi ko kaya kapag hindi ko siya makikita ng isang buwan. Isang araw pa nga lang, ang lungkot lungkot ko na.

Kinuha ni Stan ang isa kong kamay. Tinignan ko lang siya, he's playing my pinky finger. Para siyang batang pinaglalaruan iyon.

"Fingers too small." Aniya at ngumiti sa akin. "And so as your hands too, daga ka ba?"

Biglang sumimangot ang mukha ko. Nang-aasar nanaman siya!

"Epal." Inagaw ko yung kamay ko sa kanya at saka siyang mahina na tinulak. Natatawa naman siya sa akin, parang aliw na aliw pa siya sa pang-aasar niya.

May topak talaga 'to.

Naagaw yung atensyon namin ni Stan dahil biglang may kumatok sa gate, sinilip ko si Mang Kanor sa pwesto niya pero wala siya.

"Ako na." Sabi ko, pumunta ako sa harapan at binuksan ang gate.

Bumungad agad sa akin si Daile. She's with Darren, Marian, Delta, Theo, Redg and Khyle.

"Hi Cadence!" Kumaway sa akin si Daile. Pinanglakihan ko pa siya ng mata dahil nagpalipat lipat yung tingin niya sa aming dalawa ni Stan.

"Ano ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Yung presensiya ni Stan, mas nararamdaman ko na.

Humakbang si Khyle para makaharap niya ako.

"Ah, e, Cadence. Sabihan mo naman si Syche, o? Birthday kasi ni Kuya Lex." Aniya, medyo nahihiya pa nga siya. Hindi ko alam kung bakit.

"Are we also invited?" Si Stan yung nagtanong.

Gulat na napatingin si Khyle sa kanya bago tumango. "K-Kaya sana, makap-punta kayo."

Nakita ko yung pag ikot ng mata ni Daile kay Khyle huling nahagip ng paningin ko si Theo na ngayon ay nakatingin sa akin. Walang emosyon ang mukha niya, basta lang nakapasok ang kamay niya sa bulsa ng suot suot niyang pants.

"So ayun, Cadence! Mas maganda kung ngayon na kayo pupunta para naman hindi na ma out of place sa ibang nasa college dept!" Ani Daile.

Tumango tango ako sa kanila bago silang nagpaalam na aalis. Nagkagulo na nga sa bahay tapos pupunta pa kaming birthday party. Tama ba 'yon?

Naiwan nanaman kaming dalawa ni Stan, umikot bigla ang tiyan ko. Hindi naman ako nasusuka, a? Bakit bigla umikot yung tiyan ko? Palihim kong tinignan si Stan kaso bigla niya akong nahuli.

"Kulit talaga." Bubulong bulong niya sa gilid.

Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. "Ano? Ikaw nga 8 years old, na in love na? Wow lang ha."

"Kilala mo ba tinutukoy ko?"

Bumagsak bigla ang balikat ko. Hindi ba ako yun? Ang bigat sa pakiramdam! Pero mabuti na rin naman yun diba? Ngayon pa nga lang na parang may nararamdaman na 'ko sa kanya maling mali na, e. Paano pa kaya kung parehas kami, diba?

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon