Chapter Forty Eight

21K 419 5
                                    

FORTY EIGHT

Paano mo ba talaga mapapatunayan na sobrang mahal mo ang isang tao? Dahil sa mga salita? Dahil sa mga binibili mong abubot na gusto niya? O dahil pinangangalandakan mo sa mundo na mahal mo siya? Paano naman yung ibang tahimik lang pero mas pinapakita sa gawa? Para sa akin iyon ang tunay na pagmamahal.

Hindi kami nag-usap nina Karl at Traveon noong gabi na 'yon. Si Justine lang ang kausap ko magdamag na pinatulog ko na rin agad. May pasok pa siya.

Kinaumagahan nga, nahirapan pa ako at nalate sa trabaho. Pinipilit kasi ako ni Karl na huwag ng pumasok which is hindi pwede. I'm getting irritated. Hindi ko alam kung bakit masyado ang proteksyon na ginagawa niya sa akin.

"Ma'am Cadence, good morning po." Bati sa akin ng empleyado sa kompanya.

Tumango ako at ngumiti. Diretsyo agad ako ng office ko, nalanghap ko agad ang pamilyar na bango. I missed this!

Hindi ko pa nga nakikita si Stan o kahit sina Daile. Late na kasi akong pumasok, malamang nasa kanya kanyang cubicle na ang mga yun. Tapos si Stan siguro ay busy na.

Umupo ako sa swivel chair at binuksan ang laptop. Bumungad agad sa akin yung Skype, bigla kong naalala si Ate Stella.

Malaking insulto sa akin yung sinabi ni Karl. Wala naman siyang alam sa pagpapalaki sa akin ni Ate, kaya medyo nasaktan ako sa sinabi niyang 'yon. Si Trav naman kanina ay walang imik! Parang nagtatampo nga, e.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit malaki ang galit nila sa mga Arrhenius at Syferath? I guess they're just bitter.

Nahagip ng tingin ko ang picture frame namin ni Ate na nakapatong sa mesa, kinuha ko 'yon at pinagmasdan. 7 years old pa lang ako nito.

Miss na miss ko na siya, ang tagal na rin simula nung huli naming pag-uusap.

Tinignan ko ulit yung icon ng Skype, bigla ko na lang pinindot iyon at ang naka online na pangalan ni Ate. Mabilis ang tibok ng puso ko habang naghihintay ng sagot niya.

"Hello? Hello? Cadence?" Ani Ate Stella, her cam is loading.

Parang may puwing na dumaan sa mata ko at awtomatiko itong tumulo. Marahan kong pinunasan ang luha at nakangiti lang na nakatitig sa mukha ni Ate sa monitor.

"A-Ate..." Singhap ko dahil sa pag-iyak.

Nang makita ko ang kanyang namumulang ilong ay alam kong paiyak na siya. "How are you, sis?"

Doon na ako bumigay. Gustong gusto ko siyang yakapin! Gusto ko siyang halikan ng marami! Kahit na naglihim siya sa pagkatao ko ay hindi ako nagalit sa kanya. At kahit kailan ay hindi ako magtatanim ng galit sa kanya.

"I-I.. I miss you, Ate." Buong sabi ko na may tono na pangungulila.

"I miss you too, so much. I heard the news from William, okay ka lang ba?"

Tumango tango ako dahil sa hirap sa paghinga. Parang may kung anong pumipigil sa aking magsalita.

"Nakilala mo na ba ang mga Monteverde?" Ramdam ko ang lungkot sa tono ni Ate kahit na nakangiti pa siya ngayon.

"I'm... I'm with them." Sabi ko.

Nakita ko ang pagkagat ni Ate sa kanyang labi at tumango-tango. "That's.. great!"

"Ate.. may.. may sasabihin ako." Inayos ko ang aking mukha at hinarap ang monitor ng laptop sa akin.

"What is it?"

"Your bestfriend survived from the fire." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Nakaligtas siya.. So please, don't blame yourself."

Saglit na napatigil si Ate, parang hindi pa pumapasok sa kanya ang naging balita ko. Maya maya lang ay bumuhos na ang kanyang luha na gusto kong punasan. If only I can wipe her tears through the screen!

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon