FIFTEEN
"Ang haba na ng pila sa Star City, niyan! Bakit ba ang bagal bagal niyo, huh? December ngayon kaya malamang siksikan! Anong oras na, o?" Panay ang putak ko sa kanila.
Umiiling na lang si Syche, nagulat nga 'ko kasi bigla siyang tumayo. Hindi pa siya tapos kumain, ha?
"Nang! Penge nga po ng isang plastic." Tawag niya sa matanda naming katulong. Pagbalik naman ni Manang Hilda ay inabot niya ang plastic kay Syche.
Kinuha niya yung mga pagkain sa mesa. Not totally na kinuha niya dahil madami ang nandoon, yung iilan lang.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
Tumingin siya sa wall clock bago sa akin. "You're right, malelate na tayo. Sorry Tita."
Nagsitayuan na rin yung dalawa kong pamangkin. Naabutan ko si Stan na nakatingin sa akin, inilayo ko agad yung paningin ko sa kanya.
"Ngayon niyo pa lang talaga naramdaman yan ha?" Mataray na sabi ko.
Pagka martsa namin sa labas ay pinasadahan ko muna ng tingin yung tatlo.
Naka itim na cap sila. Yung kay Stan may nakalagay na Fire Security, kay Syche naman ay Rescue Team at kay Sevhire ay Security lang tapos yung suot nilang tatlo ay pareparehas na camouflage v neck shirt at khaki shorts, anong trip ng mga ito? Para silang triplets!
Yung akin naman ay puting long sleeve at itim na high waisted short. Nag sapatos na rin ako kasi baka maisipan ng mga pamangkin ko na sumakay sa mga pamatay na rides.
Hindi naman ako killjoy pagdating sa mga ganung rides, in fact mas gusto ko pa ngang sumakay sa mga ganoon para may thrill at syempre para magkaron ako ng experience.
Sumakay na kaming lahat sa sasakyan. Wala talagang naiwan sa bahay, kinausap din kasi namin yung mga pamilya nila Manang Hilda, Mang Kanor at Mang Roger. Hindi naman kasi pwedeng kami lang ng mga pamangkin ko yung magsaya.
Pero syempre walang ka ide-ideya sina Manang.
"Hay naku naman talaga 'tong mga batang nire! Maglalaba ako, e. Bakit kailangan kasama pa kami?" Reklamo ni Manang Hilda sabay kamot sa ulo niya.
Humilig si Stan papalapit sa kanya, nasa front seat kasi si Manang. "Nang, okay lang yan. Mag-eenjoy din naman po kayo doon."
"Nako, Cohen. Baka atakihin na kami doon." Biro ni Mang Roger at nagtawanan kaming lahat.
Masaya sa buong biyahe namin, pinapaalala kasi nila yung mga pinaggagawa naming apat nung mga bata pa kami. Nakakahiya nga nung pilit ko daw sinusubo yung ulo ng pusa.
Grabe.
Pinark ni Mang Roger yung sasakyan. Buti na lang at medyo maluwag ang parking lot. Naunang bumaba si Sevhire at inalalayan naman ako.
Naanigan ko na agad ang pamilya ng mga kasama namin sa bahay, siniko ko si Stan at napalingon din siya doon. Sinenyasan ko naman si Syche.
"So, Nong Roger, Nang Hilda at Nong Kanor. Umm, I hope sapat na yung supresa namin sainyo para mapasaya namin kayo." Pinagsalikop ni Syche ang mga daliri niya.
"Yeah, parang kayo na rin po ang nagpalaki sa aming apat." Dagdag ko pa.
Nagtaka naman yung tatlo at nagtinginan. Inagaw ni Stan yung atensyon nila nang kasama niyang lumapit ang mga pamilya ng mga matatanda.
Muntik na 'kong mapaiyak dahil parang nagkaroon ng reunion. Umiiyak sila at ilang beses na nagpasalamat. Ang saya saya ko! Feeling ko malaking achievement ang nagawa namin. Kinausap sila ni Syche at sinabing magkakanya-kanya na lang daw. Binigay niya rin yung exact time para kung anong oras magkikita-kita sa lugar na 'to. Thirty minutes din yung inabot nang pag-uusap nila bago kaming pumasok lahat sa Star City.
![](https://img.wattpad.com/cover/40257065-288-k989460.jpg)
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...