FORTY ONE
Habang naglalakad kami ni Stan pauwi ay panay dutdot ko sa aking cellphone. Kahit na alam kong dead bat na talaga ay hindi ko pa rin iyon tinitigilan. Did I made the right decision? Parang mali pa ata na sinabi ko agad kay Stan lahat.
"Stan, pwede bang next month mo na sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit next month pa kung pwede namang ngayon?" Ani Stan sa akin. Parang gusto kong huminto sa paglalakad nang matanaw ko na yung bahay.
Huminto ako saglit. "I want to be ready. Hindi ko alam kung anong pwedeng gawin sa atin ng daddy mo. Arrhenius ka at sikat ang apelyido niyo sa mga tao."
Ito na nga ba ang kinatatakot ko, some people won't understand the situation. Simply because they are not on our shoes. Basta ka na lang huhusgahan sa mga naririnig nila kahit hindi pa talaga alam iyong totoong nangyari. It's like we are born to be a judge pero ang totoo niyan ay Siya lang naman ang pwedeng manghusga sa atin.
Ngumuso si Stan, hindi ko talaga siya minsan maintindihan. Napaka komplikado na ng sitwasyon namin pero ito at nagagawa niya pa talagang magpigil ng ngiti.
"They are all in the mansion already." Ani Stan na kinagulat ko.
"Bakit daw?" Hindi kaya si Ate Stella na ang nagsabi?
Hinawakan ni Stan ang kamay kong nananatili sa aking tabi at pinagsalikop niya ang aming mga daliri. "Babalik na kasi sila sa Australia. Pag-uusapan yung mga business na maiiwan sa amin." Aniya at tinuloy ang paglalakad.
Sila? That means pati mga kapatid ni Kuya William ay nasa bahay? Don't tell me..
"You're going to spill the truth today? Oh no, Stan! That's a bad idea!" Sinubukan kong pigilin siya sa paglalakad.
"Kailan pa naging bad idea iyon? I prayed for this, Cadence. This will never be a bad idea." Taimtim na wika ni Stan.
Lalong napuno ang tensyon sa akin nang makarating na kami sa harap ng bahay. I wanted so bad to run and escape! But I know that I can't. Alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi pwedeng itago ang katotohanan habang buhay.
"Please be ready." Ani Stan bago pinagbuksan ni Mang Kanor nang gate. "And please, don't give up on me."
Tiningala ko siya habang sinasabi niya iyon. How can I give up the man who accepted me for who I am? Hindi ako yung tipong babaeng talentado, hindi rin naman ako kagandahan kaya hindi ko matukoy kung bakit gustong gusto ako ni Stan.
Nang pumasok na kaming dalawa sa bahay ay agad kong kinalas ang hawak niya sa akin. Nahirapan ako bigla sa paghinga. Parang may malaking nakabara na hindi ko matukoy kung ano.
Stan's right! They are all here! Kuya William with his brothers and Stan's cousins! Ang kulang nga lang ata ay sina Syche at Lorcan.
"Stan! Cadence! Mabuti naman at nagsabay na kayong dalawa. Come here, we're about to start." Anyaya sa amin ng isa sa mga kapatid ni Kuya William. He must be Sir Oswald.
"Course." Ngiti ni Stan sa Tito niya at ginap ang kamay ko. Nanlaki ang aking mata nang bumaba ang tingin ng isa pang kapatid ni Kuya William doon.
Hindi siya pamilyar sa akin, lumakad si Stan patungo sa gitna hawak-hawak ang kamay ko. Kumunot ang noo ni Kuya William pati na rin ang mga kapatid nito.
"What are you two doing there?" Matigas na tanong sa amin ni Kuya William.
Inalis ko na ang aking kamay kay Stan, nakita kong nakaawang ang labi ni Sevhire na parang hindi ma sink in sa utak ang nangyayari, si Mikael naman ay tahimik na nakatingin lang habang sina Jasper at Oliver ay nagpapalit palit ng tingin.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
Aktuelle Literatur"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...
