FORTY
Masyadong malamig ang mga kamay kong nakahawak sa braso ni Lorcan. Gulong-gulo ang kanyang mga matang may nais sabihin.
"L-Lorcan, umalis na tayo." Nanginginig na sabi ko habang nakatingin sa pintuan na pinaglabasan ko kanina. Dread is there! Kitang kita ko ang chinito niyang mata na nakasilip!
"W-What? Ano bang nangyari Cadence?" Naguguluhan niyang tanong sa akin.
Umiling-iling ako habang nakatingin pa rin sa pintuan. "Umalis na tayo, Lorcan. Please... please."
Sinundan ng mata ni Lorcan ang pagtulo ng aking luha, inangat niya ang kanyang kamay para sana mapunasan iyon ng bigla akong lumayo. Kumunot ang kanyang noo sa ginawa ko. Ako na mismo ang nagpunas ng aking luha.
"Okay. Aalis na tayo." Tikhim niya at hinawakan ang aking palapulsuhan.
Nakita ko agad ang Hilux na sasakyan ni Lorcan, pinagbuksan niya ako ng pinto at pinasakay sa unahan. Nang makasakay na ako ay umikot naman siya para sumakay sa driver's seat.
"Now could you please tell me what happened?" Ani Lorcan habang nakahawak sa manibela ng sasakyan. Kahit siya ay gulong-gulo sa inaakto ko.
"W-Wala." Pagsisinungaling ko.
"Ano?! What do you mean na wala? You're acting really strange, Cadence, tapos wala?!" Bahagyang tumaas ang kanyang tono ng pananalita.
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya ang mga nalaman ko pero bakit umuurong ang aking dila? And why he's here? Anong ginagawa niya dito? Nagpapasalamat ako dahil nakita ko siya pero ang alam ko ay ako pa lang ang kukuhanan so bakit siya nandito?
"Why are you here?" Tanong ko sa kanya.
Tila naman nawala sa akin ang pokus ng kanyang mga mata. Shit! Don't tell me..
"O my God." Mahinang sabi ko at sinubukang buksan ang pintuan.
"Cadence, wait!" Lalo akong nag-panic nang pinipigilan niya ang aking kamay.
Pilit ko iyong inaalis sa akin. "Bitawan mo ako, Lorcan!"
"Cadence!"
Umiling ako. Nagulat ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Ang sakit! May pwersa ang ginawa niyang iyon. Palagay ko nga magmamarka ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
"Kasabwat ka niya! Ano bang ginawa ko? Let me go!" Nilalabanan ko pa rin ang kanyang pagkakahawak.
"What?" Gulat na wika ni Lorcan. "Anong kasabwat? Fuck, Cadence. I don't understand! Let me explain first!"
Natigil ako sa ginagawa kong pagpitlag sa kanya, tinignan ko siyang mabuti at nakita ko agad ang kanyang iritadong mukha.
"W-Wala kang alam?" Tanong ko pa.
Ngumuwi siya ng bahagya. "Wala."
"Sigurado ka?"
Para namang nairita siya lalo, pumikit siya bago tumango. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tinanggal ko iyon. Napaawang ang kanyang labi kaya tipid akong ngumiti.
"Hindi ako tatakas." Anang ko nang mapansin na baka nag-aalala siya na bigla na lang akong tumakbo paalis.
"Now, please tell me. What happened?" Mariing sabi ni Lorcan sa akin.
Nilingon ko ulit yung bahay ni Dread. Alam kaya ni Mikael ang lahat o hindi? Nilahad ko kay Lorcan ang mga nangyari kanina, taimtim lang naman siyang nakikinig sa kwento ko. Hindi ko na maiwasang mapaluha, iyon na ata ang pinaka nakakatakot na naranasan ko!
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...