Chapter Twenty Six

23.1K 490 10
                                    

TWENTY SIX

"Cadence, gising."

Gumulong ako sa kabilang gilid ng kama. Ang sakit ng katawan ko at hinang-hina ako. Para akong nabugbog! Kumuha ako ng isang unan at itinakip iyon sa aking mukha. I just want to sleep all day!

"Oy, Callio. Gumising ka." Panay ang yugyog sa akin ni Dan, inis kong inalis yung kamay niya. Narinig ko naman siyang nagmura. "Malelate na tayo, hoy!"

"Hmmm." Ungol ko. Anong malelate, Linggo ngayon ha?

Lumundo bigla yung kama ko. Naupo si Dan. "Tinawagan ako ni Rora, tang ina kailangan nating pumasok."

"Ha?" Naningkit ang mata ko. Ang liwanag kasi. "Linggo naman, a?"

"Puta, sino ba yung bagong namamahala sa kompanya? Pinapapasok tayong lahat amputa. Linggong-Linggo!" Inis na sinuklay ni Dan ang kanyang buhok.

Doon na ako napa bangon. May pasok talaga kami? Pero bawal yun, a? Dapat ay nagpapahinga kami ngayong weekends. "Saan daw ba nabalitaan ni Aurora?"

"Malamang tinext ni Yel." Hinila ni Dan yung comforter na tumatabing sa akin. "Tignan mo yang mukha mo, o. Magang maga! Puta, bakit ka ba kasi umiyak?"

Naramdaman ko yung parang mainit na pakiramdam sa aking mga mata. Hindi ko na alam yung nangyari kagabi, umiyak lang ako ng umiyak nun. Hinayaan nga lang ako ni Dan.

"Sinong nagdala sa akin, dito?" Sa pagkaka alam ko kasi, hindi naman ako umakyat.

Ngumisi si Dan at ginulo ang buhok ko. "May ibang tao pa ba dito? Bumangon ka na. Hintayin kita sa baba."

Wala na 'kong nagawa. Pilit lahat ng kilos ko. Pati sa pagpili ng damit na susuotin wala, nawalan ako ng gana. Hindi ko naman kasi alam ang isusuot ko, ito ata ang kaunaunahang beses na papasok ako sa Linggo. Pinili ko na lang yung floral dress at nilagyan ko na lang ng belt at pinatungan ng itim na cardigan. Siguro naman half day lang kami.

"Hindi ba uso pantalon sa'yo?" Nagtaas baba ang tingin sa akin ni Dan. May sinisipsip siyang lollipop. Ewan ko kung saan galing yun.

Ngumuso ako. "Wala akong mapili, e. Tara na?"

Tumango lang siya at gaya ng nakasanayan ay binigay niya ang helmet niya sa akin. Pagilid naman ulit akong umupo sa motor ni Dan, wala kaming imikan. Tahimik din naman siya, e. Siguro ay inaantok din. Sino ba naman kasing matutuwa kapag nalamang Linggo na nga lang ang pahinga may pasok pa.

Kanina hindi ko talaga mabuksan ang cellphone ko. Nakalimutan ko, na kay Stan yung battery. Hindi ko tuloy matext si Yel kung hanggang anong oras kami, hindi tuloy ako nakapag dala ng pang lunch ko.

"Oh ano? Hindi ka bababa?" Ani Dan,  hindi ko napansin na nandito na pala kami.

"Sorry." Pag hingi ko ng pasensya at bumaba na sa motor niya, binigay ko sa kanya yung helmet at inayos ko naman yung buhok ko.

"Itali mo kaya yan?" Ani Dan, nginuso niya yung nakalugay kong buhok.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ba? Ano meron pag nakalugay?"

Umiling siya. "Wala. Para hindi ka hawi ng hawi kapag may pinipirmahan ka." Aniya at nauna pang mag lakad sa akin.

Lagi talaga siyang nauuna, ayaw niyang tinatapos yung usapan. Kung hindi ko siya kilala baka nasupladuhan na ako kay Dan, e. Kinibit balikat ko nalang iyon at sumunod na lang sa kanya. Binati agad kami ng guard na nagbabantay sa elevator na sasakyan namin.

"Tss. Inaantok ako." Reklamo ni Dan at ginulo naman ang buhok niya, sumandal siya. "Ahh! Tangina talaga."

Umiling na lang ako. Hindi ko naman siya mapagsabihan dahil pati ako ay inaantok din. Tumunog na yung elevator hudyat na nasa tamang floor na kami, pagbukas na pagbukas pa lang ay ang konti ng mga taong nakikita ko.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon