Chapter Forty Five

21K 493 54
                                        

FORTY FIVE

Nakailang beses akong lumunok para man lang maabsorb ng utak ko ang nangyayari, ngunit hindi pa nga ako nakakamove-on ay isang pamilyar na chinitong mata na agad ang aking nakita, dahilan para dalawin ako ng matinding takot at kaba.

"Elise, what are you doing?" Baritonong tanong ni Dread kay Elise.

Bahagyang nilingon ni Elise si Dread. "Nothing, Kuya." Aniya.

Shit! Bakit ba nandito silang magkapatid? Para akong isang daga na corner ng mga pusa. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas o kung makakatakas pa ba ako.

"And you're talking to my special someone." Ani Dread at tinapunan ako ng isang malagkit na tingin.

Napangiwi ako doon at napaatras. Okay, Cadence. Just stay calm.

"Oh?" Tumaas ang isang kilay ni Elise. "Is she your special someone, Kuya?"

Nakita ko ang malawak na pagngiti ni Dread, pumantay siya sa pwesto ni Elise. Marahan siyang tumango. "Yes, she is."

Ang nakakakabang sitwasyon ay bahagyang nabawasan nang makita ko si Dan napapalapit sa amin. Thank God for this guy!

"Cadence!" Masayang sambit niya sa pangalan ko. He's holding a glass of wine at akmang yayakapin ako.

Ngumiti ako sa kanya at sinalubong ang kanyang yakap.

"Miss na miss kita, Callio!!" Naging mahigpit ang yakap sa akin ni Dan.

Nakangiti lang ako habang yakap-yakap niya ako. Nang kumalas siya sa akin ay binigyan niya ako ng isang kurot sa pisngi.

"Oh? Anong meron?" Lumingon siya sa gawi nila Dread. "Uy, Pare!" Aniya at nakipag kamayan dito.

Lumaki ang aking mga mata sa narinig. Sinulyapan ko si Elise at tipid itong ngumiti sa akin. Ngiting may kahulugan.

"M-Magkakilala kayo?" Biglang tanong ko sa kanila.

"Oo naman, Cadence! Si Dread yung tinutukoy kong photographer. Kaya ayun! Ito na ako!" Itinaas ni Dan ang camerang nakasabit sa leeg niya.

"That's true, Cadence." Singit ni Elise.

Natulala ako sa mga pangyayari. Kilala nila ang isa't isa! Paanong.... Damn! Alam kaya ni Dan ang lahat?

"Ate Cadence! Ate Cadence!"

Tumakbo sa direksyon namin si Justine. She's holding a phone at nilalahad ito sa akin.

"Si Sev--I mean si Kuya Sevhire." Aniya.

Tinanggap ko ang phone at nilagay ito sa aking tainga. "Sev?"

"Tita! How are you?" Tanong niya agad.

Napangiti ako at bahagyang sinilip sina Dan, Dread at Elise na nagkwekwentuhan na.

"A-Ayos lang... Kayo ba?"

"We're okay too. Wala kasi si Stan, e. I just wanna ask if he's there? Alam mo na, baka hindi nakatiis." Inosenteng tanong ni Sevhire.

Doon na sumagi sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Elise. Stan's not there? Bakit naman? Bakit hindi siya nagtext? Gaano ba talaga siya ka busy?

Natapos ang gabing 'yon na maraming namuong katanungan sa isip ko. Pero binalewala ko muna ang lahat nang iyon. Nakatulong naman si Dan, binigay ko sa kanya yung number ko. Nagtext din siya. Matagal na pala siyang wala sa kompanya, simula nung umalis ako sa Southfields ay umalis na rin siya.

Hindi agad ako nakatulog.. Madaming pumapasok sa isip ko, pinatay ko na rin ang aking phone. Ayokong paulit-ulit na tinitignan kung meron mang text o tawag si Stan tapos ay lalagapak naman ako dahil sa kabiguan.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon