THIRTY
Pinagmasdan ko lang si Ate habang kinakausap niya ang kanyang mga anak para magpaalam. Hindi na ako sumingit. Why would I? Oras naman na nila 'yon. Nakatayo lang ako habang nakatanaw sa kanila, nang makaalis na si Ate ay kumaway sa akin si Syche.
"Tita!" Tawag niya habang kumakaway.
Lumapit na ako sa kanila, suot suot ko pa rin yung takong ko. Paano kaya ako makakasali? Nadatnan ko na may ginagawang tricks yung tatlo sa skateboard.
"Pang professional." Puri ko sa kanila.
Nilapag ni Stan ang skateboard niya at lumapit sa akin. "You want to try?" Tanong nito.
Umiling ako. "Hindi ko pa nga alam yan, e."
"I'll teach you." Suhestiyon niya.
Naturuan na ako dati niyan ni Theo pero matagal na panahon na iyon. Malamang nakalimutan ko na. Tumango ako kay Stan at lumapit sa skateboard niya.
"Remove your heels." Tinuro ni Syche yung takong ko.
"Madisgrasya ka niyan, alisin mo tita." Ani Sevhire.
Ngumuso ako. Matanda na nga ako't lahat lahat napaka maalaga pa rin talaga nila. Tinanggal ko na yung takong ko at walang pake kahit tumalsik pa sa kung saan. Kaysa naman yumuko pa ako dito.
Pinatong ko na ang isa kong paa sa skateboard. Hawak hawak ni Stan ang kamay ko.
"Uh..." Nakakahiya! Nanginginig pa naman ako dahil hindi ko mabalanse ang sarili ko.
"Stay focus, Cads." Ani Stan habang nakatingin sa ibaba. "Now move your other foot."
Sinunod ko naman siya, pinaslide ko yung isa kong paa sa lupa hanggang sa umandar yung board. "Shit, Stan!"
Muntik na akong mahulog! Gumegewang gewang kasi! Buti na lang agad na naipulupot ni Stan ang kanyang braso sa aking bewang.
Bumitaw ako sa kanya. "Ayoko na." Wala na akong pag-asang matuto.
"Don't step on the middle." Aniya. "Mahuhulog ka talaga niyan."
"Ayoko na kasi. Maaksidente pa ako, may party pa naman kayo mamaya." Pinagulong ko na yung skateboard papunta sa kanya.
Inapakan naman niya iyon. "Hindi naman kita hahayaang masaktan."
Nagtama ang mga mata namin, may kung ano sa puso ko ang lumalambot. Agad din akong nag-iwas ng tingin. This is wrong, Cadence.... This is so wrong!
"Anong... oras ba yung party?"
Sinilip ko sa likod ni Stan ang paparating na si Sevhire na sakay sakay ng kanyang skateboard.
"Man, tawag ka ni kuya." Aniya tinapik ang balikat ng kapatid.
"Sabihin mo mamaya na." Ani Stan, halatang ayaw magpaistorbo.
Umiling si Sevhire. "Urgent daw."
Inabot pa ng silang segundo bago tumango si Stan. "Watch her." Aniya at tinuro pa ako bago umalis din gamit ang kanyang skateboard.
Hindi na lang ako umimik. Nakakaconscious naman yung mga tingin sa akin ni Sevhire.
"Okay na kayong dalawa?" Tanong niya agad.
Naspotan ko yung bakanteng bench. Naupo ako doon. "Oo naman."
Sumunod sa akin si Sevhire at naupo sa tabi ko. "Okay na kayo as what?"
Kumunot ang noo ko. "Anong as what?"
"I don't know. Ikaw lang naman makakasagot niyan."
"Okay kami as pamangkin at tita, ayan? Masaya ka na?" Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
Fiksi Umum"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...