Chapter Eight

30.4K 547 22
                                    

EIGHT

Hilong hilo akong napaupo sa silya. What the hell is wrong with me? May sakit ba ako? Okay naman ako kanina ha? Sinubsob ko na lang ang ulo ko sa mesa. Feeling ko talaga masusuka na 'ko!

Isang ingay mula sa isa pang upuan ang nadinig ko. Yung bango rin ni Stan ay nalalanghap ko na. Lumapit siya sa akin?

"Are you sick?" Tanong niya agad.

Gusto ko mang umiling ay hindi ko magawa. Parang lalo pa akong mahihilo pag gagawin ko 'yon kaya hindi ko na lang siya sinagot.

Hinawi ni Stan ang buhok kong tumatakip sa aking mukha. Sumilip siya pailalim para siguro makita ang kabuuan ko. Gusto ko sana siyang tawanan kaso ay baka naman masuka ako sa mukha niya.

"You don't look okay."  Aniya

Mahina man ay pinilit kong inangat ang ulo ko at sinandal sa likod ng upuan. Kumakalam na rin ang sikmura ko!

Nakita agad ng mata ko yung tubig. Kainis! Gusto kong uminom nun pero paano kung kalasa rin yun ng tubig na nainom ko kanina? Bakit ganun ang mga lasa ng tubig dito? Argh!

Nahalata ata ni Stan na kanina pa ako tumititig sa isang pitsel na may tubig kaya kumuha siya ng isang plastic cup na nakapatong sa mesa at saka sinalinan ng tubig. Agad niyang binigay iyon sa akin.

Umiling ako. "Mapait."

Kumunot ang noo niya. Halatang naguluhan sa sinabi ko. "Mapait?"

At kailangang ulitin talaga? Sabing mapait nga! Kita na nga niya na hirap na hirap ako, dito. Tumango na lang ulit ako.

Halos takasan ako ng kaluluwa nang mahigpit niyang hinawakan ang panga ko dahilan para medyo mapabuka ang aking bibig. Anong ginagawa niya?

"Breathe." Baritonong wika ni Stan.

Lito man ay huminga ako sa aking bibig. Hindi naman ako bad breath kaya okay lang, isa pa, pamangkin ko naman siya at wala akong ganang makipagtalo kung pupunahin niya ang hininga ko.

Pero lahat ng pagdududa ko ay biglang nawala! Nagising din ng bahagya ang parang natutulog kong huwisyo nang bigla siyang sumigaw!

"Fuck it! Uminom ka?!" Nangagalaiti si Stan!

"O-Oo, tubig." Sagot ko.

"Tubig?! Hindi tubig  'yon! Tequila ang nainom mo!" Kung makapagsalita naman 'to ay para akong bata. "Sinong nagpa-inom sayo?!"

Paulit-ulit akong umiling sa kanya. God! He's scary! Yung pagkalam nga ng sikmura ko ay hindi ko na naramdaman sa takot ko!

"Cads? You talked to a stranger? Answer me! Hindi pwedeng maka inom ka nalang ng Tequila basta basta!"

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naalala ko yung lalaking nakasayaw ko kanina at yung pag order niya ng isang transparent na likido sa baso. Hindi ba tubig 'yon? Pero parang tubig yun, e.

"Cadence!" Untag sa akin ni Stan kaya napatingin ako sa kanya at wala sa sariling napatango.

Ginulo niya ang buhok niya. "Putangina!"

Ano nanaman ba ang nagawa ko? Pero inaamin ko. Naiiyak ako, kung alak nga ang nainom ko ay first time ko 'yon. Kahit naman bukas ang isip ko sa kabulastugan nila Stan ay hindi pa ako nakakasubok ng mga ganun.

Naaninag ko sina Syche at Sevhire na tumatawang papalapit sa amin, pero agad din namang napawi ang mga ngiti nila nang makita ang nag aalburutong si Stan.

"Ano nanaman ang nangyari?" Sev asked.

Tinuro ako ni Stan. "Ask her!"

"Stan. Lower your voice! Nasa fiesta tayo." Paalala ni Syche sa kapatid.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon