THIRTY NINE
"Syferath ako, miss." Depensa ko, bakit sa dami nilang magpipinsan ay si Lorcan ang ipapareha sa akin?
Tipid na ngumiti yung babae. "Pasensya na po. Napag-utusan lang talaga. Kailangan na pong magawa yung photoshoot niyo ngayon."
Napairap na ako. "Miss, hindi nga ako Arrhenius."
"But you're going to be an Arrhenius naman po, ma'am." Ani babae na siyang kinagulat ko.
"What?" Nagulat ako.
"Yes po. Kayo po ni sir Francis, diba?" Inosenteng tanong niya.
Gulong-gulo akong lumayo sa kanya. "Hindi kami ni Lorcan. May number ka ba ng boss mo? Can I talk to Mikael?"
Para namang nagmadali iyong babae na kunin ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Pinagmasdan ko siya habang dumadial. Nang matapos na siya ay binigay na ng babae ang kanyang cellphone sa akin.
"Sinagot na niya po ma'am." Aniya.
Tumango ako at nilagay iyon sa aking tainga. "Mikael."
Narinig ko ang kanyang pagtikhim. "Who's this?"
Humigpit ang hawak ko sa aking bag. Really? "Si Cadence to. Uhm. Mikael, about dun sa photo-"
"I know. It's just a photoshoot, Cadence. No malice." Ani Mikael sa nanunuyang boses.
Kahit na. Alam ng lahat na Syferath ako tapos si Lorcan pa talaga yung makakasama ko doon? Ano na lang ang iisipin ng mga tao? That I'm in a relationship with him? "P-Pero, Mikael--" Kainis! Hindi niya talaga ako pinapatapos!
"Why Cadence? May magagalit ba?" Yes! May magagalit. Sa tanong niyang iyon ay nabahala na ako, pati ba rin siya ay may alam na? O inaasar niya lang ako?
"Silence means yes. So I assume na may magagalit nga?" Hinala niya. Narinig ko ang maliit niyang halakhak sa kabilang linya. "May I know who's he?"
Gusto ko sanang itanong kung nasa lahi ba talaga nila ang pagiging mapang-asar. May patutunguhan ba 'tong pag-uusap namin?
Tinignan ko yung babae na naghihintay na matapos ang pag-uusap namin ng kanyang boss. Bumuntong hininga ako. "Mikael, it's really none of your business. Ayoko ng photoshoot na yon. Iba na lang or si Lorcan na lang."
"Come on, Cadence. Ikaw lang muna sa ngayon. Maybe two weeks or more mo pa makakasama si Lorcan. Chill." Aniya, siguro ay nakangisi na ito sa akin ngayon. Gusto ko siyang sapakin.
How can I convince him? Mukhang matigas din ang isang 'to, ha. "Kahit isa na lang sa mga pamangkin ko." Madali lang sa akin na sabihin ang pangalan ni Stan pero ayokong magduda siya.
Ilang segundo rin na tumahimik si Mikael, marahil ay nag-iisip. Naiinip na nga ako. Sa mga nalaman ko ngayon ay kailangan walang oras na nasasayang pero heto ako, naghihintay sa isang sagot.
"Mikael?" Untag ko sa kanya nang mapansin na hindi pa siya nagsasalita.
"I'll think about it just do your photoshoot first." Aniya at binabaan ako.
Shit! Ang bastos naman 'non. Ganun ba talaga siya? Tinignan ko pa muna ang cellphone nung babae bago ko ito binigay sa kanya. Unbelievable!
"Ma'am? Pwede na po ba nating gawin ngayon?" Nakita ko ang pagsilip ng babae sa reaksyon ko.
Pilit akong ngumiti. "Okay."
Ngumiti siya sa akin at iginaya ako palabas ng opisina. Panay ang tingin ko sa aking relos. Tumatakbo ang oras, sana mabilis lang yung sinasabi nilang photoshoot at sana magbago na talaga yung desisyon ni Mikael. Kahit sino sa mga pamangkin ko just please not Lorcan or any of his cousins.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...