Chapter Ten

29.1K 552 48
                                    

TEN

Naglalakad na kaming dalawa ni Stan pauwi ng bahay, medyo malapit na rin naman kaya okay lang kahit bagalan namin, tsaka dahil nga may ilaw na sa Park ay lumiwanag na rin yung paligid.

"Anong ginagawa mo sa gitna ng gabi, Cadence?" Nakapamulsa pa rin si Stan habang naglalakad kami.

Tumingala ako sa kalangitan. "Sa intramurals."

"Hanggang 7 lang yun, a?"

Tsk. Bakit niya alam? Paano ako makakalusot nito? Huminga ako ng malalim at tumigil sa paglalakad.

"Kasi ano, e. Nagpunta ako kina Berna." Pag-amin ko.

"And then?"

"Ayun, ano, naboring ako." Tama ba 'yong pagkakasabi ko? Shit, baka naman hindi ako makalusot dito?

Hindi sumagot si Stan at naglakad ulit siya kaya ganun na din ako, So I guess okay na sa kanya? Nabenta yung palusot ko?

Naglakad lang kaming dalawa, He's not talking to me. Hindi ko nga alam kung galit ba siya o ano, e. Wala lang siyang imik. Natatanaw ko na yung bahay, doon lang ako nakaramdam ng antok. Akala ko nga diretsyo na kami ni Stan doon pero nagulat ako kasi bigla siyang huminto.

"16 ka na diba?"

Naguluhan ako sa tanong niya. Pero sumagot pa rin ako.

"Oo."

"Please, take care of yourself." Ani Stan na parang nahihirapan.

Napalunok ako. "K-Kaya ko naman ang sarili ko-"

"What if I didn't wait for you? What do you think will happen? Paano kung may mga gagong humila na lang sayo diyan?" Sa wakas ay humarap na rin siya sa akin. "Cads, hindi lahat ng mga tao mababait."

Ngumuso ako. Kahit gustong gusto kong umiwas ng tingin sa mga mata niya ay hindi ko magawa. Paano kasi, parang walang buhay ang mga 'yon ngayon. Parang matamlay ang mga mata niya!

Tumingala si Stan at pumikit ng mariin, sa paglunok niya ay gumalaw ang kanyang adam's apple. Kahit mag 17 pa lang si Stan may adam's apple na siya, parehas sa mga kapatid niya.

"Intrams bukas, maikli ang suot mo. Utang na loob yung mahabang medyas ang gamitin mo."

"Huh? Bakit naman? Lahat naman ng girls ganoon yung mga suot."

"Nagrereklamo ka? Kilala mo naman yung mga kaklase mo at mga kaklase ko diba? Ano? Gusto mo yung nababastos?"

Ano ba naman talaga 'tong lalaking 'to! Kanina ang kalma kalma tapos ngayon grabe kung maka sita!

Tatablahin ko na sana si Stan kaso ay bigla siyang umubo. Napangiwi nga ako, parang kasi ako yung nasasaktan sa pag-ubo niya. Yung sa kanya kasi parang ang sakit sa lalamunan! Lalapitan ko na nga sana siya kaso ay sinenyasan niya 'ko na huwag daw.

"Get... inside." Ubo pa rin ng ubo si Stan.

Ano? Hindi ko siya iiwan no! Umiling ako.

Para namang nairita siya sa akin, paano kasi umirap, e. "Just fucking get inside!"

Muntik ko nang takbuhin ang distansya ko at ang bahay. Kapal nitong lalaking 'to! Tita niya 'ko ha? Sumbong ko siya kay Ate, e!

"Tss. Kulit." Yun ang huling nadinig ko sa kanya bago ako nakapasok sa bahay.

Hindi ko na hinintay si Stan na umakyat, mas nauna na ako sa kanya. I'm glad that Mang Kanor is still awake, ang bigat bigat kaya ng gate!

Dahan dahan akong umakyat sa hagdanan, hindi pa rin ata nakakasunod si Stan, e. Bahala na nga siya. Lumalapit naman ako sa kanya kanina pero ayaw niya. Pumunta agad ako sa kwarto at saka itinapon ang bag ko sa kama.

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon