FOURTEEN
Napaawang ang labi ko, ang lakas lakas pa rin ng ulan. Nakatitig pa rin sa akin si Stan at hindi niya pa rin ako binibitawan.
"Uuwi na tayo. I'm not going to pry about my brother's issue." Kalmado na wika ni Stan at dinala ulit ako sa sasakyan.
Hindi ko tuloy alam kung gusto ko pa ring sumakay. Mababasa kasi yung upuan, baka pagalitan pa ako ni Manong Roger. I looked at Stan pero hindi naman siya nakatingin sa akin.
Binuksan niya yung pintuan. No choice, sasakay talaga ako. Umikot ulit siya papuntang driver's seat pagkasakay ko. Walang imikan sa aming dalawa, kahit sa buong biyahe ay wala. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya.
Bumusina siya ng nasa tapat na kami ng bahay. Natataranta namang binuksan ni Mang Kanor ang gate para papasukin kami. Pagka park na pagka park pa lang ni Stan ay bumaba na agad ako.
Basang basa na talaga ako!
"Magandang gabi po sainyo. Ano pong nangyari at basang basa kayo ni Senyorito? Kanina pa po si Senyorito Sevhire sa loob ng mansyon." Yumuko si Mang Kanor.
Kinunot ko ang noo ko. "Si Sevhire po?"
Tumango ang matanda. Naramdaman ko ang presensiya ni Stan sa gilid ko.
"Nandiyan din po ba si Syche?" Tanong niya. Ni hindi man lang siya nagpunas ng buhok. Tumutulo tulo tuloy.
"O-Opo, n-nagkagulo po kanina silang dalawa doon. Ang maganda po ay pumasok na lang ho kayo sa loob."
Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na sa bahay. I found Sevhire sitting on the couch. Nakayuko ito, hindi ko na nakita si Syche.
"S-Sev," I whispered his name. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. "What happened?" Tanong ko.
"I broke up with her." Parang walang buhay ang boses niya.
Nakarinig ako ng yabag sa itaas. It was Syche, galit na galit ito. Malayo sa Syche na halos walang malay kanina.
"Alam mo ba yung kahihiyan na ginawa mo?!" Singhal niya, nakababa na siya ng hagdan.
Yumuko nalang ulit si Sevhire.
Ano bang nangyayari?!
"Tang ina, Sevhire! Bata ang pinatulan mo!" Bulyaw niya pa rito.
Si Stan ay nakatayo lang sa gilid ng pintuan. Bakit hindi niya pinipigilan ang Kuya niya? I really want to punch him right now!
Tumayo ako at hinarang na agad si Sevhire, alam kong may hindi na magandang nangyari noong wala pa ako dito at kung ano man ang nangyari kanina ay hindi na pwedeng maulit ngayon.
"Syche! Kumalma ka! Si Sevhire ang kausap mo!"
"Nakipag relasyon siya sa mas bata pa sa kanya!" Sigaw niya sa akin. "Sobrang bata, Cadence! What did you expect me to say?! That I'm so proud of him?!"
"Shit! Tone down your voice, Syche. Hindi si Cadence ang kaaway mo dito." Malamig pa sa yelo na sabi ni Stan sa kapatid. "Sevhire can decide on his own. Let him. Siya naman ang masisira hindi ikaw."
Umangat ang ulo ni Sevhire at napatingin kay Stan. Nagpapalit-palit naman ang tinginan ko sa tatlo na parang isang galaw ko lang ay may magsusuntukan na.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Syche, napahilot pa siya sa kanyang sentido. "Ayoko lang na pinag-uusapan ka o kahit sino man sa atin. They will have to go through me first."
Pagyugyog nalang ng balikat ni Sevhire ang napansin ko. Is he crying? O my God! Hinimas ko ng wala sa oras ang likod niya.
"S-Sevhire." Tawag ko. "I-It's okay. Pinoprotektahan ka lang ng Kuya mo."
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
Fiksi Umum"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...