THIRTEEN
Napangiwi ako nang mamanhid bigla ang aking paa. Damn, hindi nga pala ako sanay na magsuot ng heels! Iika ika akong pumunta sa isang bakanteng silya at umupo.
"Dapat pala nagdala ako ng tsinelas." I removed my heels and looked at my foot. Medyo namamaga na iyon.
Natakpan ng anino ang paa ko. Nasa harapan ko na pala si Stan, ang pinagtataka ko lang ay may bitbit siyang tsinelas. Nag squat siya para magpantay ang paningin naming dalawa.
"Para saan yan?" Nguso ko dun sa hawak niya.
Saglit niya itong tinignan. "Para sa'yo? I know you're not used wearing high heels."
Kinuha ni Stan sa kamay ko yung isang pares na sapatos na hawak hawak ko tapos yung isa naman ay tinanggal niya sa isa kong paa. Uminit bigla ang pisngi ko.
"S-Sige na, ako na yung ano... yung maglalagay." Suhestiyon ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at kumunot ang kanyang noo. Medyo nasilaw ako dahil tumama yung hikaw niya sa ilaw, kuminang tuloy.
"Hindi... pwede." Aniya at binalik ang atensyon sa mga paa ko.
Why not? Sinutsutan ko siya, iritado naman siyang tumingin sa akin.
"What?" Tanong ni Stan.
"Ako na nga kasi!" Pangungulit ko pa.
Umirap siya. "Hindi nga pwede."
"Bakit ba?"
Nginuso niya ang dibdib ko. Lalo tuloy uminit ang aking pisngi at nagbaba rin ng tingin doon. Right! Hindi na lang ako nagsalita kaya hinayaan ko na lang siyang isuot yung tsinelas sa akin.
"Masakit pa?"
Ngumuso ako at tumango. It's true! Pakiramdam ko nga ay hindi ako makakatayo ng maayos, dapat pala nag sandals na lang ako!
Pinatong ni Stan ang mga paa ko sa kanyang hita. Minamasahe niya iyon, ang cool nga kasi wala akong maramdaman na sakit.
"Oh, anong nangyari sayo?" Naagaw ni Syche ang atensyon ko. Bakit nandito 'to?
Hindi sumagot si Stan. Malamang paanong siya ang sasagot e ako ang tinatanong ng kapatid niya. Umubo ako bago nagsalita.
"Sumakit kasi yung paa ko, e." Amin ko.
Tumango siya. Hinila ni Syche yung isang silya malapit sa kanya at inikot iyon, umupo siya paharap dito.
"Syche! Umayos ka nga ng upo! Pwede ka namang umupo ng maayos!" Saway ko.
Ang pasaway din nito, e. Siya yung panganay pero siya pa itong sobra kung magpasaway.
Hindi niya ko pinansin, pinapanuod niya lang yung pagmamasahe ni Stan sa paa ko. Bigla naman akong nahiya kaya inalis ko na lang yung paa ko sa hita ni Stan, halata naman na nagulat siya sa ginawa ko.
Nag-iwas ako ng tingin. "Ano.. okay na ako... s-salamat."
"Tss." Tumayo na si Stan at nagpagpag.
"Cadence! Bruha ka! Sabi ko sa'yo magpalit tayo, e!" Ngayon lang ata ako nagpapasalamat sa pagiging epal ng kaibigan ko. Ngumiti siya kina Stan, parang hindi man lang nahiya sa ginawang pag sigaw.
"Magpalit saan?" Kunwari ay hindi ko alam.
Parang nag-isip pa si Daile. "Ay? Hindi mo narinig? Sige! Hayaan mo na." Hinawakan niya ang kamay ko at itinayo ako. "Uy, hiramin ko lang tita niyo ha?"
Ang kulit talaga ng babaeng 'to. Ngumisi lang yung mga pamangkin ko at tumango, kinaladkad na niya agad ako sa mesa ng barkada. Ang sakit nga sa paa.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
Ficción General"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...