Chapter Sixteen

25.3K 593 29
                                    

SIXTEEN

Pagdilat ko ay pinakiramdaman ko na agad ang aking katawan. Well, okay naman pero parang pagod na pagod ako. Naka ilan nga ulit kami sa Star Flyer at Star Frisbee? Muntik pa nga 'kong masuka dahil kakainom lang namin ng buko shake nung sinubukan namin yung frisbee na 'yun!

Kinuha ko agad yung katabi kong unan at saka niyakap iyon.

Ano kaya yung nararamdaman ko sa pamangkin ko? Am I having a crush on my nephew? God! That's insane! Ibinaon ko yung unan sa aking mukha. Bakit ko ba naisip yun?

Tumayo na 'ko. Feeling ko ang gulo gulo ko ngayon. I went to my bathroom and do my morning rituals. Pagbaba ko ay pakiramdam ko hindi pa 'ko nakakapag suklay.

E, hindi pa naman talaga.

Naabutan ko na agad si Sevhire na nagliligpit ng hapag. Sinilip ko yung labas at wala yung sasakyan.

"Oh? Bakit ikaw lang dyan?" Tanong ko.

"Wala si Kuya, e. May pinuntahan." Aniya at inilagay na yung pinagkainan nila sa loob ng kusina doon sa lababo.

Hinila ko yung upuan at umupo. "S-Sinong kuya?"

Bumalik si Sevhire pero kasama na niya ang isang tasang gatas. Bitbit din niya yung cereal na kinakain ko.

"Syche." Simpleng sagot niya at inilapag na yung kakainin ko.

Itinikom ko na yung bibig ko. I wanted to ask where Stan is, pero baka naman mabwisit ako sa isasagot niya. May mali talaga sa akin, alam ko, e.  Kinain ko ng mabilis yung cereals, naka isang salin nga lang ako dahil wala akong gana. Paano kasi, sinabayan din ng layas ni Sevhire. Ako na lang ata ang natira sa bahay kasama si Manang Hilda at yung dalawang guard namin.

Paglabas ko ng bahay ay dinatnan ko si Stan. May kasama siyang babae, at napaka pamilyar ng kasama niya.

Si Brittany.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin sa kanila. She's really beautiful. Samantalang ako? Naka short at loose shirt lang. Hindi pa ako nagsusuklay! Mukha akong mangangalakal sa suot ko, e.

Naglakad lakad ako, ang gulo ng kalsada. Umulan siguro. Kaya pala malamig agad pakagising ko. Hindi naman ako nag aircon, e. Ihahakbang ko na sana ang paa ko kaso biglang may humila sa akin.

"Bakit mo ako sinundan?" Hindi ko maiwasan na maging matabang ang boses ko.

"Bakit hindi mo ako tinawag?" Nanliit ang mata ni Stan habang pinagmamasdan ako.

Inis kong inalis yung pagkakahawak niya sa akin at galit siyang tinignan. "Bakit pa? Kausap mo yung Brittany diba? Ano kayo na? Itutuloy niyo na yung pagdedate niyo?"

I wanted to slap my face! Bakit ko sinabi ang mga yon?

Nakaawang ang labi ni Stan. Parang hindi niya alam ang ibig kong sabihin. Sa tingin ko ay parang naguguluhan din siya sa akin.

"Hindi kami. Kinausap ko lang siya--"

"Of course! Kayanga nakita ko kayo diba? Kinausap mo lang kasi siya. Eh, bakit nandito ka ngayon? Bakit hindi ka doon?"

"Coz I want to be with you. Stop acting like that, Cads." Sinubukan akong hawakan ni Stan pero umatras ako.

"Don't touch me! Ayoko sayo!" I hissed.

Para namang natauhan siya at lumayo din.

"A-Ano bang problema, Cadence?" Base sa boses ni Stan ay talagang naguguluhan siya.

Tinuon ko na lang yung tingin ko sa mga dahon na nalalaglag. "Wala."

"Wala?" Napaos ang boses niya doon. "E, bakit ganyan ka?"

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon