Chapter Twenty Nine

22.6K 493 29
                                        

TWENTY NINE

Puting kisame agad ang naaninag ko pagdilat ng aking mga mata. Shit! Agad akong napaupo. Where am I? Nasapo ko pa ang aking ulo dahil sa biglaan kong galaw. Nasaan na nga ba ako?

"I'm glad that you're already awake." Ani ng isang boses na nanggaling sa isang kwarto.

Sinilip ko iyon at nakita ko ang paglabas ni Stan, naka puting shirt lang siya at short na pambahay. Nasa condo niya kami?

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko.

"You passed out last night." Sagot niya, kinuha niya ang kanyang wrist watch sa maliit na table at pinanuod ko ang pag suot niya dito. "Iinom inom hindi naman pala kaya."

Nanliit ang mata ko. Great! Marami nga pala akong nainom kagabi at birthday nga pala ni Meine kaya pumunta kaming Styx. Nasaan na nga ba ako ngayon?

Umalis ulit si Stan. Saan kaya siya pumunta? Napansin kong naka cycling shorts nalang at malaking puting shirt ako. What the? Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang tray na may nakapatong na mga pagkain.

"Eat." Utos niya pagkalapag niya ng tray sa higaan.

Umiling ako. "Sa bahay na ako kakain, sorry sa abala." At tumayo na. "Uh? S-Sino nga pa lang..."

Ngunit hindi pa nga ako nakaka hakbang ay hinawakan na ni Stan ang braso ko at pinaupo ulit ako sa kama.

"Eat, Cadence. We're going to meet my brothers." Aniya. "Huwag kang mag-alala, nakapikit ako habang ginagawa yun."

Namilog ang aking mga mata. Hindi na lang pinansin ang sinabi niyang pagbihis sa akin. "Ha? Sina Syche? Bakit?"

"They're here in Cavite together with mom. They want to see you... So..." Pinilig ni Stan ang kanyang ulo. "Just eat."

"Magpapaliwanag pa ako kay Dan." May naalala ako bigla. "Yung bag ko!"

Tumalikod si Stan at mistulang may kinuha sa couch inangat niya ang bag ko. "Tinawagan ko na yung posporo mong kaibigan. Besides, aalis ka rin naman doon."

"Anong aalis?"

"We have a deal right?"

Napabuga ako ng hangin ng wala sa oras. "Will you stop? Ginagawa mong komplikado ang mga bagay bagay! We're related! I'm your auntie. Stop pushing this nonsense love! It's too forbidden!"

Akala ko magigising ko na si Stan sa kahibangan niya. Pero nagulat ako dahil bigla na lang siyang ngumisi, umiling at yumuko.

"Saktan mo man ako, babalik pa rin ako ng parang aso sa'yo." Matama niyang sinabi bago binalik ang tingin sa akin.

Ako naman ngayon ang umiwas. Parang noong isang araw lang ay pinipilit niyang siya daw ay robot ko. Ngayon naman hinahalintulad na niya ang kanyang sarili sa aso. Pakiramdam ko ang sama sama ko na sa kanya.

Tinitigan kong mabuti yung tray na nakalapag sa higaan, hindi ko maipagkakaila na masyado akong inaalagaan ni Stan. Noon pa man, siya na talaga 'tong sobra kung makapang bakod sa akin. Hindi ko naman namalayan na may nararamdaman na pala siya noong mga araw na iyon, e.

"Salamat dito." Inilapit ko sa akin yung tray at kinuha ang kutsara at tinidor, tinignan ko muna siya. Kung ice cream lang ako, kanina pa ako natunaw. "Labas ka muna, please?"

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit?"

Nakakahiya kasi. "Lumabas ka na!" Kulang na lang ay batuhin ko siya ng unan.

"What? Wala naman akong gagawin. Tititigan lang kita." Humalukipkip pa siya.

Umirap ako. "Kayanga, umalis ka muna. Nakakaasiwa yung tingin mo, e."

Mark Me All OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon