FORTY NINE
Ang mapupungay na mga mata ni Lorcan ang nangingibabaw sa kanya, kahit na hindi ko na siya maamoy ay alam kong nakainom siya.
"You're drunk." Sabi ko at bahagyang umatras.
Humalakhak siya ng pagak. "No, I am not, Cadence." Aniya.
Kinakabahan ako. Paano siya nakalusot kay Stan? Natatakot ako sa pwede niyang gawin sa akin. At ano? We're going to talk? About what?
"Si Stan?" Tanong ko, sinilip ko saglit ang likod niya. Hindi pa pumapasok si Stan, where is he?!
Nagkibit balikat si Lorcan, kung titignan ko talaga siya ngayon ay para siyang naka droga. Parang wala siyang buhay!
"You're always looking for him. Why not me?" Ani Lorcan at ngumiti ng nakakaloko. Nang magsimula na siyang humakbang ay lalo akong napaatras!
"Lorcan! Ano ba?" Inis na singhal ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at napangiwi. "I'm sorry, I didn't... mean.. to.. scare.. you?"
Humigpit ang hawak ko sa aking phone. Hindi ko magawang palihim na tawagan si Stan dahil sa panginginig at takot ko kay Lorcan! Feeling ko isang maling galaw ko lang ay matatalo na niya ako!
"Hey. Cadence.." Untag sa akin ni Lorcan, hindi ko namalayang nakalayo na pala siya sa akin at nakatitig sa litratong nakasabit.
Tinignan ko lang siya, I don't have any idea on what's going inside his head or kung ano man ang tumatakbo sa isip niya. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan.
"What if I didn't tell you the truth? Magiging kayo pa kaya?" Ani Lorcan, pinasadahan niya ang kanyang buhok. Nananatili siyang nakatingala at nakatingin sa litrato.
I didn't answer him. Hinayaan ko lang siya.
"What if you're a real Syferath. Would you still love your nephew?" Makahulugang wika niya.
"B-Bakit mo sinasabi sa akin ngayon yan?" Nanginginig na ang labi ko.
"What if I courted you?" Huling tanong niya at humarap sa akin. Ang kanyang ekspresyon ay mas lumambot na kaysa kanina. Mas kaya ko na siyang tignan, ngayon.
Ni hindi man lang ako makasagot sa mga tanong niya, hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot. Kung totoo nga na magkadugo kami ni Stan ay hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.
"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin?"
Napuna ko ang pagkabasag sa kanyang boses. Nakatitig lang siya sa baba at nakangiti, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko kayang makitang ganyan siya.
"Fuck it!" He cursed tapos ay tumingala. "Fuck it, girl. Bakit ikaw pa?" Ani Lorcan, nakatingala pa rin siya sa kisame at paulit ulit na pumipikit.
"Lorcan.. sorry." Mahinang sabi ko.
Nagtaas siya ng kamay ng akmang pupuntahan ko na siya.
"Alam mo ba kung paano kita nakilala? It was all because of Stan's wallpaper." Aniya, tumingin na siya sa mga mata ko. "Noon pa lang ikaw na wallpaper niya."
Ngayon naman ay ako ang naguluhan. Bakit niya sinasabi sa akin ang ganitong bagay bagay?
Pagak na tumawa si Lorcan. "He's head over heels, Cadence. How did you do that?"
Sa pagbukas ng pintuan ay lumakas ang intensidad ng kaba ko. Si Stan! Napahinto siya ng makita si Lorcan sa kanyang opisina. Sino ba naman kasing hindi mapapahinto diba?
"Francis Lorcan? What are you doing here?" Natunaw ako sa accent na tanong ni Stan.
"Just checkin' on her." Bahagya akong tinuro ni Lorcan, ang pagsagot niya kay Stan ay may accent din.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...