FORTY THREE
Hindi ko alam ang gagawin ko. Traveon and Karl Daniel are here. How did they know? At bakit nagsosorry sa akin si Sevhire? Huling lumabas ng bahay si Syche, halatang iritado na rin sa mga nangyayari.
"Cadence." Banggit ni Karl Daniel sa pangalan ko. "Let's go." Aniya at binalak na lumapit sa akin ngunit hinarangan ng mga pamangkin ko.
"Who are you?" Maangas na tanong ni Stan.
"KD, not now." Ani Sevhire kay Karl Daniel.
"Kilala mo sila?" Lingon ni Syche kay Sev.
"Of course, kilala ako ni Sevhire. Right, Sevhire?" Mapaglarong ngumiti si Karl Daniel.
Si Traveon ay nasa gilid lang. Nagmamasid sa mga nangyayari. Nang nahagip niya ang aking tingin ay bigla siyang ngumiti sa akin. Nakaramdam agad ako ng hinala.
Shit! Alam na nila.
"Ano bang ginagawa niyo dito?" Ani Syche.
Pinasadahan ni Traveon ang kanyang buhok at umabante. "We're taking our sister."
"Sister? You don't have a sister here." Baritonong wika ni Syche.
Ang malaman na alam na ng mga kapatid ko ay nagbibigay galak sa aking puso. I looked at Stan, he's looking intently at me too. Alam na alam niya kung gaano ko kagusto na makasama ang pamilya ko. Noon pa man sinasabi ko na sa kanya na hindi lang para sa amin ang lahat ng ito. Pati na rin sa akin, I want to know the whole truth. At ito na nga iyon.
Nagtagis ang bagang ni Karl Daniel sa inasta ni Syche. Sino bang hindi? Kilala ko ang mga pamangkin ko at alam kong wala silang inuurungan.
"Pwede ba? Huwag na kayong mag maang-maangan! Cadence is our sister! Si Sevhire na mismo ang nagsabi!" Sigaw ni Traveon habang tinuturo si Sev.
Nanlaki ang mga mata ko. Lahat ng mga mata ay nalipat kay Sevhire na mukhang sising-sisi sa mga nangyayari.
"I'm sorry, Tita.." Iling niya.
"What the fucking fuck, Sevhire?! Tita natin si Cadence!" Sigaw ni Syche.
"Kuya.. stop it!" Pumunta si Stan at pinigilan ang papasugod na si Syche kay Sevhire.
"Come on, Arrhenius. We want to have her now!"
"Why, now?" Lingon ni Stan. "Masyado ata kayong nagmamadali?"
"Stan." Tawag ko sa kanya.
"Oh, yes! Ayaw niyong umalis? Cadence, make them leave." Maawtoridad na utos ni Syche sa akin.
Napaawang ang labi ko. I can't! Mariing nakatingin sa akin ang mga mata ni Stan. I know that he will understand. At sana ganoon din si Syche.
"Kukuha lang ako ng mga damit." Buntong hininga ko na kinalaglag ng panga ni Syche.
Kitang kita ko ang pag-ngisi ni Karl Daniel. "Her decision, huh?"
Lumipat ang tingin ko kay Syche. Nakakunot ang kanyang noo at nagtatanong ang mga mata. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang balikat.
"Please, understand. They are my real brothers." Sumamo ko.
Akala ko hindi siya sasagot sa akin. "But we're still your real family, Cadence." Aniya at niyakap ako.
Maraming nangyari sa oras na iyon. Noong una talaga ayaw pa ako paalisin ni Syche sa bahay, si Sevhire naman ay panay sorry sa akin. Maybe that was his reason why he was acting strange. Akala ko kung ano na ang kinagulat niya, baka nga nasabi na niya ang totoo. Kanino naman kaya niya nasabi iyon?
![](https://img.wattpad.com/cover/40257065-288-k989460.jpg)
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...