SEVEN
"Sa ikalawang palapag ay may dalawang silid. Mamili kayo sa mga iyon. Ang isa ay sa inyo Senyorita Cadence at ang isa naman ay para sainyong tatlong mga Senyorito."
Inilibot ko ang paningin sa buong kabahayan. Grabe! Panahon pa ata 'to ng kopong kopong!
Siniko ko si Sevhire. "Hey! Nakapunta ka na ba dito, dati?"
"No. Ngayon lang ako dito." Bulong niya sa akin.
I nodded my head and looked at Manang Elita. Nakangiti siya sa akin pero parang may kahulugan ang mga 'yon.
"Sige na, kayo ay humayo sa itaas." Tinuro niya ang 2nd floor. Nakakatakot naman 'yon. Parang pag inapakan ko ay bibigay na.
Binitbit ni Sevhire ang gamit ko. Stan and I are still not in good terms. After that nonsense argument with him ay umalis siya, tapos ay sinamahan ko nalang sina Syche at Sevhire na ipagpatuloy ang pagbabasketball sa iba naming schoolmates.
Kahapon nga ay nag stay kami sa isang hotel kaya ngayong Linggo ay dumito muna kami sa Hacienda.
Ang hagdanan sa bahay na 'to ay parang inaanay na, pero ang ganda. We're here at my grandmother's hacienda. Tumawag kasi si Ate sa amin kagabi sa hotel at sinabing susunduin daw kami ng isa sa mga tao dito ni lola.
Although she's gone already may mga tao pa rin naman dito na nag-aalaga sa mga lupain ni lola.
"Where do you want to sleep, Cadence?" Inakbayan ako ni Sevhire at kumindat siya sa akin.
Now I know kung bakit marami ang nahuhulog sa kanya, sa natural niyang malamlam na mata at laging ngiting tamad ay siguradong hindi ka makakatakas sa bitag ng mokong na 'to.
Tinuro ko yung kwarto na alam kong mahangin at matatanaw ko ang magandang view. Tumango naman si Sevhire at sabay na kaming pumasok doon.
"So.. you and Stan? Kailan ba kayo mag-uusap?" Tanong ni Sev at inilapag ang gamit ko sa kama.
"Ewan ko ba diyan sa Kuya mo. Napaka arte. Daig pa yung babaeng nasa menopausal stage."
Sevhire laughed. "Siya yung pinaka protective sayo. Hayaan mo na lang."
"Protective?" Umiling ako. "Let's not talk about him. Sige na, magbibihis lang ako."
"Kay. Just call me when you need me." Ani Sevhire at sinarado na ang pintuan pagka-alis niya.
Walang sariling banyo ang kwarto na 'to. Feeling ko nga nasa kubo lang ako. Kung bakit ba kasi ito ang trip ni lola. Sinilip ko ang veranda, ito lang ang maganda sa kwarto dito. Doon kasi sa bahay namin ni Ate ay wala akong maaninag.
Tinungkod ko ang siko ko sa pasimano ng veranda. Tanaw na tanaw ko dito yung malawak na palayan malapit sa hacienda at mga puno. Bukid na bukid talaga.
"Cadence."
Napalingon ako nang may kumatok sa pintuan.
"Pasok."
Iniluwa non si Syche na naka khaki shorts lang. Ngumiti siya sa akin, bakit ba naka topless na rin ang isang 'to?
Lumapit ako sa kama at umupo doon. Kinuha ko ang bag ko at isa isang nilabas ang mga damit. "What do you want?"
Hindi sumagot si Syche sa halip ay pumunta rin sa kama ko at nakiupo. "Kakain na daw."
"Wala pa akong gana."
Suminghap siya. "Galit ka?"
Natigilan ako sa pag-aayos ng damit ko. "Bakit naman?"
"Kasi ako, galit ako. Fuck, we're here. No signal. No girls. No club." Aniya na parang hirap na hirap talaga.
BINABASA MO ANG
Mark Me All Over
General Fiction"No Stan, you are not allowed to like her. For pete's sake! It's a fucking sin! Angels will cry if you tolerate that damn attraction!" Iyan ang pumapalibot sa isipan ni Stan Cohen Arrhenius. Bakit sa dinami dami ng babae ay siya pa? He's not a cowa...