Simula
"Saeko, sandali lang..." Patuloy pa rin ako sa paglakad sa mainit na Pavilion ng FEU. Habol pa rin siya nang habol sa akin. Gumagawa na kami ng eksena rito sa campus! "Please..." Nahawakan niya ang braso ko kaya nahinto ako sa paglalakad.
Nalaglag ang makapal kong libro after niyang gawin yun. Gumawa ng ingay ang nabagsak na libro kaya naman nagtinginan sa amin yung mga estudyanteng nakaupo at gumagawa ng kanilang takdang aralin, nagrereview para sa quiz nila sa iba't-ibang subjects at kung anu-ano pang paperworks.
This is so embarrassing.
"Ano ba, Maru?" Bulong ko sakanya na may halong inis sa aking boses.
Pinulot niya ang libro kong nabagsak bago ako harapin at magsalita."Bakit mo na ko nilalayuan? Anong problema mo? May nagawa ba kong mali?"
Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at bumuntong hininga. Sobra na kaming pinagtitinginan ng mga estudyante rito sa Pavilion. Mamaya, laman na kami ng The FEU Files. Sasabihin, 'Ang mga freshmen talaga, palaging gumagawa ng scenes. Kabago bago...' mga ganun. Palagi na lang kaming nasisitang mga frosh.
"Ayokong nililigawan mo ko." Bulong ko para hindi marinig ng mga nakikiusyosong estudyante. "Kaibigan lang ang maibibigay ko sayo kasi may mga pangarap akong dapat abutin. Ayoko ng boyfriend. Ayoko ng lovelife."
Bumagsak ang mga balikat niya sa sinabi ko. Nanlumo ang mukha niya na para bang namatayan siya ng kamag-anak.
"Sagutin mo lang ako, tutulungan kitang abutin ang mga pangarap mo..." Mas mahina pa ang boses niya kesa sa akin.
Umiling ako agad. Gusto ko na umalis dito! "Sagabal ka lang."
Napaatras siya sa sinabi ko. Naguilty naman agad ako kaya magsosorry dapat ako kaya lang naunahan niya kong magsalita.
"Panget ba ko kaya ayaw mo sakin?" Nanlulumo siyang yumuko. No, Maru. Gwapo ka. Sobra. Pinagkakaguluhan ka nga ng mga ka-blockmates ko eh. "Matalino naman ako. Kaya kitang tulungan sa pag-aaral mo, Saeko." Matalino ka, yes, pero hindi pa rin talaga pwede.
"Still a no." I'm sorry, Maru.
Pag-aaral muna bago landi. Pangarap muna bago lovelife. Magulang muna bago boyfriend.
"But I really really like you." Namumula na ang mga mata niya, yung tipong malapit na siyang maiyak.
"I don't like you." Nakita ko sa likuran niya ang mga kaibigan kong papalapit na sa amin. "Maru, mawala ka na, utang na loob. Layuan mo na ko. Hindi dapat ako magkaroon ng buhay pag-ibig. Sagabal ka lang sa pag-abot ko sa mga pangarap ko."
"Saeko!" Tawag sa akin ng mga kaibigan ko.
"Pasensya na." Mahigpit kong hinawakan ang strap ng backpack ko. "Begone, Maru." At nilagpasan ko na siya para salubungin ang mga kaibigan ko.
Hindi ko inakala na sa araw na yun, magsisisi ako nang lubusan. Hindi ko inakala na sa araw na yun, hindi ko na maaabot pa ang isa sa mga inaabot kong pangarap. Hindi ko inakala na napakawalan ko yung pinakamahalaga at pinakagusto kong lalaki. Oo, gusto ko rin si Maru pero kailangan kong sundin ang pamilya ko, ang mga pangarap nila para sa akin, ang mga sarili kong pangarap. Kailangan kong piliin ang nararapat kesa sa gusto ko.
Mag-aral mabuti, abutin ang mga pangarap, make your parents proud... Iyan dapat ang mga gawin ng isang tunay na estudyante.
Ako si Saeko. Nag-aaral sa Far Eastern University. Kinukuha ang kursong Business Administration. Isang tunay na estudyante.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
Roman d'amourPiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...