Kabanata 29
Nakapagtataka
----------
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari nang makatulog ako. My body became weak all of a sudden kaya nakatulog ako. Nang magising ako kinagabihan ay wala na si Zieg. Hindi ko naman matanong si manang kung anong nangyari noong tulog ako. Guilty kasi ako. Natatakot ako na isang tingin lang ay malalaman niya na kung anong kamanyakan ang ginawa ni Zieg sa akin. So I remained silent.
Masama ang tingin sa akin ni mama nang umuwi sila galing sementeryo. Mas lalong lumayo ang loob nila ni papa sa akin simula noong nalaman nilang nahuli akong nandadaya noong finals. At mas lalo lang lumayo at nag-iba ang tingin nila sa akin dahil umuwi akong lasing kagabi, kasama si Zieg.
Wala naman silang sinabi sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako. Gusto kong pagalitan nila ako, pagsabihan, bugahan ng mga masasamang salita. Gusto kong maramdaman na may pakialam sila sa akin, na anak din ang turing nila sa akin.
Natulala na lang ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ako makatulog. Hindi ako inaantok. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text na ba si Zieg. Wala. Wala siyang paramdam hanggang ngayon. Nakauwi na kaya iyon?
Bumisita ako sa puntod nila lolo't lola kinaumagahan. Natatakot ako na baka magtampo sila at multuhin ako kapag hindi ko sila dadalawin ngayo. Hindi na nga ako nakasama kahapon, eh. Kaya babawi ako ngayon.
Puno pa rin ng tao ang sementeryo hanggang ngayon. Pinapaypayan ko ang sarili ko gamit ang malaki kong pamaypay habang naglalakad papunta sa puntod nina lolo at lola. Tirik na tirik ang araw at ramdam ko ang dahan-dahang pagtulo ng pawis ko sa aking dibdib.
Nagdasal at kinausap ko lang sila nang dumalaw ako. Saglit lang ako roon dahil hindi ko na kinakaya ang nakakapasong init na nanggagaling sa araw. Inip na inip na ako. Gusto ko nang umuwi.
"Lolo, lola, sorry po. Kailangan ko na umuwi. Ang init po kasi. Dadalaw ulit ako next time," sabi ko habang inaayos ang bulaklak at kandilang dala ko para sakanila.
Sinigurado ko muna na hindi mamamatay ang apoy ng mga kandilang dala ko bago ako umalis. Nakasimangot na ako habang pauwi sa sobrang init. Nag commute lang ako dahil wala si Kuya Ashton. Ayoko namang magpahatid at magpasundo kay mama o kay papa dahil hindi kami in good terms. At never na ata kaming magiging in good terms sa isa't-isa. Kailangan ko na iyong tanggapin.
Hindi pa rin nagpaparamdam si Zieg sa akin hanggang ngayon. Wala siyang text, chat, tawag, o kahit message sa Viber. Pati sa Twitter ay hindi siya nangungulit sa akin. Nakapagtataka. Dati naman ay palagi niya akong kinukulit sa mga social media accounts ko. Bakit ngayon ay wala kahit isa?
Sinampal ko ang sarili ko. Nagpagulong gulong ako sa aking kama.
"Ano bang pakialam mo, Saeko? Ha? Anong pakialam mo kung hindi siya magparamdam sa'yo? Diba naiinis ka kapag kinukulit ka niya? Bakit ngayon ay parang hinahanap hanap mo ang kakulitan niya?"
Kinausap ko ang sarili ko. Nababaliw na ako. Pero bakit hindi siya nagpaparamdam sa akin? Dahil ba iyon sa nangyari kahapon? Why? Disappointed? He was disappointed? Kasi hindi siya nakahome run sa akin? Ganoon?
Gago siya, ah? Nahawakan na niya ako sa pinaka maselang bahagi ng katawan ko tapos ay may gana pa siyang madisappoint?! Siya ang kauna-unahang nakahawak sa akin! Siya lang!
Namilipit ako nang maalala ko iyong ginawa niya sa akin kahapon. Iyong kamay niyang nasa dibdib ko. Iyong daliri niyang nasa loob ko, lumalabas-pasok. Iyong labi niyang dumadapo sa aking leeg at sa aking mukha. Dammit...
Kinagat ko ang labi ko. Niyakap ko ang unan ko at pinanggigilan iyon.
Sa mga sumunod na araw, hindi na ako nakapunta sa bahay nina Zieg para makanood ng Game of Thrones. Bigla akong nahiya. Hindi ko kayang ipakita kay Zieg na wala lang sa akin iyong ginawa niyang kamanyakan. Gusto kong mainis at magalit sakanya. Bestfriend niya ako tapos ginawa niya sa akin iyon. Hindi ako kasama sa mga babaeng kalandian niya. Iba ako. He should treat me differently. He should cherish me deeply. Dapat galit ako. Dapat naiinis ako. Pero may parte sa akin na nangungulila sa mga kakulitan niya.
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...