Kabanata 30
Do You
----------
Pumunta kami sa McDonalds malapit sa aming bahay. Nauna na si Ate Lousha pumuntang FEU dahil kailangan niya raw maging maaga roon.
Hindi ako makatangin nang diretso kay Maru. Hindi mapakali ang mga kamay at paa ko habang magkaharap kaming nakaupo sa pinakadulong pwesto sa McDo. Nakatitig lang ako sa kapeng inorder ko.
Palihim ko siyang sinulyapan pero nahuli niya ako dahil nakatitig lang siya sa akin simula nang dumating kami rito. Tahimik ang loob ng McDo at walang masyadong tao dahil sobrang aga pa. Wala pang kahit kaunting liwanag na sumisikat sa kalangitan.
Tumikhim ako at tinignan na lang ang cellphone ko.
"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko, sa cellphone pa rin ang paningin.
He sighed. "Galit ka ba sa akin?"
Nilapag ko ang cellphone ko sa table. Huminga rin ako nang sobrang lalim, trying to calm myself.
"Hindi," simpleng sagot ko.
Tumango siya. "Akala ko galit ka." Kinagat niya ang kanyang labi. "Kumusta?"
Sumalubong ang mga kilay ko. "Okay lang. Ano bang sasabihin mo? Sabi mo mabilis lang tayong mag-uusap."
Umiwas siya ng tingin sa akin. Uminom siya ng kape. "Ayaw mo ata akong makausap."
Sumilay ang inis at galit ko dahil sa sinabi niya. "Buti alam mo!" pigil kong sigaw at tumayo. Nagulat siya sa ginawa ko. "Aalis na ako!" sabi ko at naglakad na palayo sa table namin.
Hinabol niya ako. Mas lalo kong binilisan ang lakad ko pero pagkalabas ko ng McDo ay nahawakan na niya ang braso ko.
"Mag-usap tayo!" sigaw niya.
"Mag-usap?" natawa ako. "Gusto mong mag-usap tayo pero kung anu-anong sinasabi mo! Ano ba kasi iyon? Sabihin mo na! Ang dami mong alam! Diretsuhin mo na ako! Ano bang gusto mo?"
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Gusto kong bumalik ka na sa akin! Iyon ang gusto ko!" bulyaw niya. Halos makita ko ang mga ugat sa kanyang noo at leeg.
Nalaglag ang panga ko. Akala ko hindi ako makakapagsalita nang marinig iyon pero nag-unahang lumabas ang mga salita sa bibig ko.
"Gago ka! Ayoko na! Sasaktan at lolokohin mo lang ako!" Hinatak ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Diba may Yuniko ka na? Doon ka na sakanya! Mukhang masaya ka naman, eh! Hindi mo na kailangan ang isang katulad ko sa buhay mo!"
Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko. Kitang kita ko ang pagsilay ng takot sakanyang mukha. Takot na takot kang makita akong umiiyak pero hindi ka natakot man lang na saktan at lokohin ako noon.
"Sae," mahinahon na niyang tawag sa akin.
Sinubukan niyang lumapit sa akin. Umatras ako at umiling. Mabilis ang pagbuhos ng mga luha ko pero kahit na ganoon, hindi ko inalis ang paningin ko sa mga mata niya.
"Alam ko naman na nasaktan kita noon. Pero hindi naman ata tama na gumanti ka sa akin. Alam mo naman kung bakit kita pinagtabuyan, diba? Alam mo ang lahat. Iyong insecurities ko, iyong tungkol sa relasyon ko kina mama at papa. Alam mong kailangan kong mag-aral nang mabuti para sakanila at sa mga pangarap ko. Tinaboy kita dahil ayoko ng distractions. Akala ko naintindihan mo ako pero hindi..." humikbi ako. Nakaawang na ang kanyang bibig habang pinapakinggan ang lahat ng mga sinasabi ko. "Sinadya mong lokohin at saktan ako. Pinaikot mo ako. Kahit na sabihin mong mahal mo ako, hindi iyon sapat, Maru. Kasi wala na akong tiwala sa'yo."
BINABASA MO ANG
Kung Kailan
RomancePiyu #1 Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay o ng tao kapag hindi na hawak ng kamay mo. Malalaman mo lang ang tunay na halaga kapag hindi na kayang maramdaman pa ng palad mo ang bagay na iyon. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Wala kang magag...